Dating aktor John Regala namataan at tinulungan ng isang Grab driver sa Pasay City

  • Pinag-usapan online ang tungkol sa kumalat na litrato ng dating aktor na si John Regala na namataang nasa Pasay
  • Kuwento ng uploader ng litrato na isang Grab driver, nahilo ang aktor at humingi ng tulong sa kaniya
  • Hinihintay ni John ang isang nurse na magbibigay sa kaniya ng gamot nang mahilo siya sa gutom

Noong 2016, ibinunyag ng batikang aktor na si John Regala ang tungkol sa kaniyang pagkakakulong dahil sa isang ilegal na gawain. Isang taon ang lumipas, nag-viral naman ang kaniyang litrato habang tila nawalan siya ng malay sa isang pamilihan.

Imahe mula kay BemEdz Santillan Torres via Facebook

Hindi maitatanggi ng isa sa mga tinaguriang “bad boy” ng pelikulang Pilipino na si John Regala na tulad ng mga kontrabida, naging malupit sa kaniya ang buhay.

Matapos masangkot sa masamang bisyo na napagtagumpayan niyang talikuran nang lumapit siya at nanampalataya sa Maykapal, dinapuan naman siya ng malubhang karamdaman.

Nito lamang ay naging usap-usapan online ang kaniyang kumalat na litrato habang nakaupo sa isang bangko sa Pasay at nanghihina. Ang litratong ito ay ibinahagi online ng Grab driver na si Carlo Marti Clariza sa kaniyang Facebook.

Imahe mula kay Carlo Marti Clariza via Facebook

Sa isang panayam, sinabi ng 30-anyos na si Carlo na humingi ng tulong sa kaniya ang aktor matapos itong mahilo dahil sa gutom.  “Humingi po siya sa akin ng tulong at nakilala ko po agad siya,” aniya.

“May hinahanap po siyang nurse kaya pinapunta niya ako sa barangay para humingi ng tulong dahil nahihilo at nagugutom nga po siya,” kuwento ni Carlo.

Ang nasabing nurse na hinihintay ni John ay kaniyang kaibiga na tagaroon sa lugar at nagbibigay sa kaniya ng gamot para sa kaniyang karamdaman.

Imahe mula kay Carlo Marti Clariza via Facebook

Dahil mayroong deliver, iniwan umano ni Carlo ang aktor sa mga taga-barangay na inasikaso naman siya.

“Tapos, pagbalik ko po doon, wala na siya. Ang sabi po ng pinagtanungan ko, dumating naman ang tao na inaantay ni John at ginamot ang mga sugat niya,” ani Carlo.

Ayon sa ulat ng 24 Oras, nasa pamamahala umano ngayon ng Iglesia ni Cristo si John sa at tumutuloy ito sa pabahay nila sa Quezon City. Patuloy din siyang nagpapalakas upang kung mabibigyan muli ng pagkakataon ay makabalik siya sa pag-aartista.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: