Dahil wala pang dumarating na ayuda hanggang ngayon, 74 anyos na biyuda sa pangungutang na lang umaasa

  • Sa ulat ng programang Imbestigator ng GMA Network, itinampok nila ang kuwento ng 74 anyos na biyuda
  • Simula kasi ng lockdown, hindi pa natatanggap hanggang ngayon ng biyuda ang kaniyang ayuda
  • Kahit naka-fill up na sa Social Amelioration Program form ang nasabing biyuda, hindi pa rin siya nakatatanggap ng ayuda kaya sa pangungutang na lang umaasa para sa kaniyang pang araw-araw

Upang matulungan ang mga Pinoy na nasa laylayan o iyong mga nawalan ng kabuhayan sa pagpapatupad ng lockdown sa buong bansa, naisip ng pamahalaan na isulong ang pamimigay ng ayuda o ang tinawag na Social Amelioration Program (SAP).

Imahe mula sa Philippine News Agency (PNA)

Sa pamamagitan ng SAP, makatatanggap ang aabot sa 18 milyong pamilya sa buong bansa ng  P5,000-P8,000 bilang tulong pinansyal mula sa gobyerno sa panahon ng pandemya.

Sa kabuuan, umabot ng halos nagkakahalagang P200 bilyon ang naipamahagi sa mga benepisyaryo. Ngunit mabuti man ang hangarin ng programa, inulan naman ito mga kontrobersiya dahil sa kaliwa’t kanang alegasyon ng katiwalian.

Sa programa ng GMA Network na Imbestigador, tatalakayin nila ang tungkol sa naging implementasyon ng SAP sa mga mahihirap na pamilya. Isang ginang ang kanilang itinampok na hanggang ngayon ay hindi pa natatanggap ang kaniyang ayuda, ilang buwan na ang nakalilipas.

Imahe mula sa GMA Public Affairs via Facebook

Ayon kay Felipa Justo, 74 anyos na biyuda mula sa San Mateo Rizal, hindi pa niya natatanggap ang kaniyang ayuda kahit tapos na siyang magsulat sa form.

“Masakit po sa dibdib ko kasi nag-fill up na ako ng SAP, kailan ho ba ako bibigyan? Maghintay lang daw ako sa bahay. Hintay naman ako nang hintay. Pagkatapos daw ng ECQ magkakaroon na, pero GCQ na tayo wala pa rin. Ano ba ‘yun?” ani ng lola.

Kuwento niya, laking tuwa niya nang malaman na isa siya sa mga mabibigyan ng tulong pinansyal ng gobyerno nang magkaroon ng lockdown. Taong 2014 nang mawala ang kaniyang asawa at ang tanging Php 1, 000 pensyon na mula sa SSS ang kaniyang inaasahan—ngunit kulang na kulang ito.

Imahe mula sa GMA Public Affairs via Facebook

Subalit nagdaan na ang community quarantine hanggang General Community Quarantine ay hindi pa rin niya natatanggap ang ayuda. Upang mairaos ang kaniyang araw-araw, umaasa na lamang si Felipa sa pangungutang.

Panoorin ang kanyang kuwento sa video na ibinahagi ng GMA Public Affairs:

Sa mga nais magpaabot ng tulong kay Lola Felipa Justo, maaari n’yo siyang makausap sa numerong ito: 09496476361. Narito ang kanyang address: #23 Paso 4 Street, Brgy. Sta. Ana, San Mateo, Rizal.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: