Dahil sa dumaraming residente sa pampublikong lugar, local government ng Baguio City nagbabala

  • Sa gitna ng dumaraming kaso ng COVID-19 dito sa bansa ay ang maluwag na alituntinin ng mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine
  • Sa Baguio ay dumarami na muli ang mga residente na nasa labas at mga pampublikong lugar sa kabila ng dumaraming kaso sa kanilang lungsod
  • Kaya naman pinaalalahanan ng kanilang Public Information Office ang pagsasagawa ng ilang health protocols at pag-iwas sa pagpunta sa mga matatao at kulob na lugar

Pagkatapos ang halos tatlong buwan na enhanced community quarantine o ECQ, sumailalim na ang maraming lugar sa bansa sa general community quarantine (GCQ) noong Hunyo.

Imahe mula PIO Baguio via Facebook

Sa ilalim ng GCQ ay pinapayagan na ang ilan sa mga Pinoy na lumabas sa kanilang bahay hangga’t nakasuot sila ng face mask at sumusunod sa mga alituntunin ng health protocols tulad ng social distancing.

Ganito man ang pangyayari at sinusunod ngayon sa bansa, mas lalong dumarami ang kaso ng mga positibo sa COVID-19 na pumalo na sa 60,000 mark.

Ngunit sa kabila ng dumaraming kaso ng coronavirus, hindi pa rin naiiwasan ng ilan sa atin na hindi lumabas at pumunta sa mga pampublikong lugar o di kaya ay pmasok sa kanilang mga trabaho.

Imahe mula PIO Baguio via Facebook

Sa lungsod ng “Summer Capital of the Philippines” o ng Baguio, kahit hindi pa pinapayagan ang mga turista na bumisita sa lugar ay namataang dumarami ang mga residente na nasa labas at pampublikong lugar.

Kahit nakasuot ng face mask ay halos hindi na naipatutupad ang social distancing dahil sa dami ng residente sa lugar. Sa kabila ito ng dumaraming kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Sa kasalukuyan ay mayroon nang naitalang 65 COVID-19 patients sa lungsod at nababahala ang kanilang local government dahil na rin sa dami ng mga residente sa labas.

Imahe mula PIO Baguio via Facebook

Pinaalalahanan ng Public Information Office of Baguio ang mga residente na iwasan muna ang pagpunta sa mga matatao at kulob na lugar sa lungsod at kung hindi maiiwasang lumabas ay panatilihin ang pagususot ng face mask at pagsunod sa social distancing.

Ano man ang dahilan ng mga taong nasa lubas sa gitna ng kinahaharap na pandemya ng bansa ay mahalagang tandaan na ang kalaban natin ngayon ay hindi nakikita at maaaring umaali-aligid lang sa ating kapaligiran—hinihintay na tayo ay maging kampante saka sasalakay.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: