Challenge accepted: Maine Mendoza nag-post ng makahulugang litrato

  • Maraming kababaihan ngayon online ang nagbabahagi ng kanilang black and white na litrato na mayroong caption na “challenge accepted”
  • Ang kampanyang ito ay upang suportahan ang mga kapuwa kababaihan sa kanilang mga pinagdadaanan
  • Isa ang aktres na si Maine Mendoza sa sumali sa challenge na ito sa pamamagitan ng pagbabahagi ng makabuluhang litrato

Sunod-sunod rin ba ang black and white na litrato sa iyong Instagram at Facebook news feed na mayroong caption na “challenge accepted” mula sa kababaihan at mangilan-ngilan ding kalalakihan?

Lovi Poe (Imahe mula Instagram)

Ito ang bago na namang challenge na nauuso online, ang “challenge accepted” kung saan ay kailangang mag-post ng black and white na litrato ang isang babae saka niya ipapasa sa ibang kababaihan upang ipakita ang pagsuporta sa isa’t isa.

“Among women, there are several criticisms; instead, we should take care of each other. We are beautiful the way we are,” ang nakasaad sa pinapadalang mensahe para sa challenge na ito.

Sa kabuuan, milyon-milyon nang mga litrato ang naupload sa social media na mayroong hashtag na #ChallengeAccepted. At maski mga kilalang personalidad at celebrities ay nakikiisa sa kampanyang ito.

Solenn Heussaff (Imahe mula Instagram)

Isa ang Kapuso actress at TV host na si Maine Mendoza sa mga nakilahok sa challenge accepted sa pamamagitan na pag-post ng kaniyang litrato sa kaniyang Instagram account.

Ngunit imbes na nakangiti o nakapostura ang kaniyang larawan, ang kaniyang ibinahagi ay black and white na litrato ng kaniyang mukha na tila mayroong luha. Kakaiba ito sa mga larawan ng ibang kababaihan na nakangiti at masaya sa ibinabahaging mga litrato.

Maine Mendoza (Imahe mula Instagram)

“Because we are not always ‘beautiful, strong and incredible.’ Here’s my entry to acknowledge the downs and not just the ups,” saad ni Maine sa caption ng larawan.

“Cheers to the strong; to the brave; and to the broken ones out there. We are all fighters and survivors in our own battles. Whatever life throws at us, let’s keep going. Keep swimming… just keep swimming (heart emoji),” dagdag pa niya.

Bukod sa pagbabahagi ng larawan, nawa’y suportahan natin ang isa’t isa sa lahat ng oras—mayroon mang challenge o wala.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: