CEO ng Globe Telecom naglabas na ng pahayag tungkol sa pagpuna sa kanila sa SONA

  • Sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address, binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga telecommunications company dahil sa kanilang hindi magandang serbisyo
  • Sinabi ng presidente na ipasasara niya ang mga ito kung hindi nila mapabubuti ang serbisyo hanggang Disyembre
  • Naglabas naman ng panayam ang CEO ng Globe tungkol sa babala ng presidente

Isa ang Pilipinas sa mga bansang mayroong pinakamabagal na Internet connection sa buong mundo. Noong 2016, nag-publish ang international website na forbes.com ng isang artikulo na may pamagat na “How The Philippines Got Asia’s Worst Internet Service.”

Imahe mula Philippine News Agency (PNA)

Noon hanggang ngayon, problema na ng maraming Pinoy ang mabagal na Internet connection ng mga telecommunications company. Dalawa sa pinakamalaking telecomm dito sa bansa ay ang Globe at Smart networks.

Sa kaniyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), sinita na ni Pangulong Duterte ang telecommunications giants na Smart Communications Inc. and Globe Telecom Inc.

“Kindly improve the services before December. I want to call Jesus Christ to Bethlehem. Better have that line cleared,” ani presidente sa kaniyang SONA speech. “The next two years will be spent improving the telecommunications of the country without you. I will talk to Congress and find a way how to do it,” dagdag pa niya.

Imahe mula Philippine News Agency (PNA)

Dahil sa mga nasabing ito ng presidente, naglabas na ng pahayag ang chief operating officer (CEO) ng Globe Telecom ukol sa pagpapabuti ng kanilang serbisyo.

Ani Ernest Cu, ngayong taon ay nagkaroon USD1.2 billion capital expenditure ang kompanya at karamihan sa mga ito ay napunta sa pagtatayo ng network at capacity builds.

“These substantial investments are paying off as we experience marked service improvements. In fact, we are being cited globally for having improved internet experience,” ani Cu.

Imahe mula Facebook

Sinabi rin niya, naranasan umano nila ang mahabang proseso ng paghingi ng permit sa mga sangay ng gobyerno tungkol sa pagpapatayo ng karagdagang cellsites.

“We have been experiencing long-drawn permitting process across LGUs, HOAs, and national agencies in our cellsite builds and laying down of fiber to homes, but we are positive that with the policies being enacted by the DICT, we will be able to fast-track builds of telco towers for a more robust connectivity and internet services for every Filipino,” pahayag ni Cu.

Sana nga sa mga darating na buwan ay mapabuti na ang Internet connection sa bansa lalo ngayon na halos online na ang mga transaksyon.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: