Bukod sa libreng tablet, Heart Evangelista mamimigay na rin ng libreng Internet data

  • Bukod sa mga ibinigay na libreng tablet computers para sa mga estudyante, may bago na namang ipamimigay ang aktres na si Heart Evangelista
  • Ang mga estudyante ay maaari na ring makakuha ng Internet data basta’t susundin lamang nila ang mga hakbang na ibinahagi ng aktres
  • Sa huli, ang mga mapipiling estudyante ay personal din na makakausap si Heart

Maraming Pinoy ang bumilib sa Kapuso actress at advocate na si Heart Evangelista nang ilunsad niya  noong nakaraang buwan ang proyektong BIG Heart PH upang makatulong sa mga kapus-palad na estudyante.

Imahe mula kay Heart Evangelista via Instagram

Layunin ng proyekto ng aktres na makapagbigay ng mga tablet computer sa mga estudyante upang magamit nila sa darating na blended learning.

Nauna nang nakapagbigay ng mga tablet ang Kapuso actress sa mahigit 500 na estudyanteng napili ng kanilang proyekto. Ang mga estudyante na ito ay walang kakayahan na makabilid ng gadget na gagamitin sa darating na pasukan.

LOOK: Lucky students receive Heart Evangelista’s tablet giveaway

Ngunit bukod sa mga tablet, mamimigay na rin ang proyekto ni Heart ng Internet data para ulit sa mga estudyante upang magamit nila sa online learning.

Imahe kuha mula sa video ni Heart Evangelista via Instagram

Ibinahagi ng aktres sa kaniyang Instagram account ang mga hakbang na gagawin ng mga aplikante upang makakuha ng libreng tablet at Internet data.

Una ay ila-like ang Facebook at at follow naman ang Instagram page ng BIG Heart PH. Sunod ay magpapadala dito ang mga aplikante ng private message na nagsasaad ng kanilang pangalan, edad, kasarian, educational attainment, mobile number at sasabihin ang rason kung bakit sila ang dapat mapili.

Imahe kuha mula sa video ni Heart Evangelista via Instagram

May mga ipadadala rin na requirements ang mga estudyante tulad ng school ID, Certificate of Registration, at latest payslip ng magulang o guardian. Ang mga mapipiling aplikante ay tatawagan ng representative ng BIG Heart PH.

Ang mga mapipili ay makatatanggap ng Flare tablet na mayroong 900MB mobile Internet for 15 days. Bukod rito, ang mga mapipili ay magkakaroon din ng pagkakataon na personal na makausap si Heart.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: