Biik sa Negros Occidental may dalawang katawan ngunit iisa ang ulo

  • Nagulat ang isang residente sa Negros Occidental dahil sa naging anak ng kaniyang alagang baboy
  • Kuwento ng lalaki, isa sa mga naging anak ng kaniyang baboy ay mayroong dalawang katawan ngunit iisa ang ulo
  • Ayon naman sa eksperto, ang nangyaring ito sa biik ay tinatawag na genetic anomaly

Kapag nanganganak ang isang inahing baboy, kalimitang marami ang kaniyang nagiging anak depende sa kaniyang laki. Sa normal na panganganak, ang pagitan ng paglabas ng mga biik ay nasa 15 minuto, at kung lumagpas na dito, kailangan nang tulungan ang inahing baboy.

Imahe mula Freepik

Mahalagang palakasin ang kalusugan at pangangatawan ng inahing baboy bago ang kaniyang panganganak. Dito kasi nakasalalay ang pagkakaroon ng malulusog at masisiglang mga biik.

Ngunit paano kung isa sa mga ipinanganak na biik ay naiiba ang hitsura kumpara sa kaniyang mga kapatid? Hindi lang iba ang kaniyang hitsura sa mga kapatid kundi sa kabuuan ng mga biik.

Ganito ang natuklasan ng isang residente sa Negros Occidental nang manganak ang kaniyang alagang baboy kamakailan. Sa dami kasi ng naging anak na biik ng baboy, isa ang namumukod tangi dahil mayroon itong dalawang katawan ngunit iisa ang ulo.

Imahe mula kay Rommel Regacho via Facebook

Kwento ni Rommel Regacho, isang security guard mula sa Bago City, Negros Occidental, nang lumabas ang pang-anim na anak na biik ng kaniyang inahing baboy ay mayroon na siyang napansin na kakaiba.

Ang biik kasi na ito ay may dalawang katawan, walong paa, apat na tainga at isang ulo. Dahil sa kakaibang hitsura na ito ng biik ay naniniwala si Rommel na magdadala ito ng suwerte sa kaniya.

Imahe mula kay Rommel Regacho via Facebook

Kahit ganoon ang hitsura ng biik, umasa si Rommel na mabubuhay ito, ngunit sa kasamaang-palad ay hindi ito nagtagal. Ayon naman sa mga eksperto, may pagkakataon talaga na magkaroon ng biik na ganun ang hitsura.

“Paliwanag ni Negros Occidental Provincial Veterinarian Dr. Renante Decena, maituturing na isang genetic anomaly ang nangyari sa biik. Paminsan-minsan lang aniya ito nangyayari lalo na sa artificial insemination,” ayon sa ulat ni Nico Delfin ng ABS-CBN News.

Bakit nga ba nagkakaroon ng ganitong kondisyon sa mga hayup?

Narito ang isa pang paliwanag ni Doc Nielsen Donato kaugnay naman sa baboy na dadalawa lamang ang paa:


Loading...
Source :

Facebook, YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: