‘Bawal Judgmental’ episode, tampok ang mga katutubong tagumpay na nakatapos ng pag-aaral

  • Isang episode muli ng Bawal Judgmental ang umani ng positibong komento mula sa mga netizens
  • Tampok sa nasabing episode ang ilan sa mga katutubong matagumpay na nakapagtapos ng pag-aaral
  • Marami ang napukaw ang damdamin sa ibinahaging mga kuwento at layunin sa buhay ng mga kalahok

“Nawawala na kasi kami eh. Isa sa mga pinakamasakit na napagsabihan na ‘yung tribo namin ay baka sa libro na lang makita in the future.”

Kuhang larawan mula sa YouTube video ng Eat Bulaga

Ito ang pahayag ng isa sa mga kalahok na si “Pogs” sa Bawal Judgmental episode kung saan tampok ang mga matatagumpay na katutubong nakapagtapos ng kanilang pag-aaral.

Ayon sa interview ng mga hosts na sina Paolo Ballesteros at Jose Manalo, si Pogs ay nakatapos ng Marketing Management noong 2017 at siya ngayon ang pinakabatang datu sa kinabibilangan nitong tribo ng Manobo sa Agusan del Sur.

Para kay Pogs, bilang isang modern datu, nais niyang i-promote ang kanilang kultura at ipakita na kaya nilang makipagsabayan sa kahit na anong nangyayari sa kanilang paligid gaya ng sa teknolohiya.

Isa rin sa mga kalahok ay ang U.P. graduate na si Norman mula sa tribo ng mga Aeta sa Porac, Pampanga. Siya ay una nang namasukan bilang call center agent subalit kanyang ginusto na ituloy ang pagtatapos sa kolehiyo.

Kuhang larawan mula sa YouTube video ng Eat Bulaga

Ang kamakailan lamang na nag-viral sa social media na si Joeffrey Mambucon ay isa rin sa mga kalahok ng episode na ito.

Hindi napigilan ng host na si Paolo ang maiyak nang ibahagi ni Joeffrey o “Otit” ang dinanas niya at ng kanyang pamilya na mga pangungutya bilang hindi nakapagtapos ang kanyang mga magulang ng pag-aaral.

Dahil dito ay nagsumikap siyang makatapos at itinanghal na kauna-unahang registered nurse at magiging doktor ng Tigwahanon-Manobo Lumad. Ayon pa dito ay inaasahan niyang makapagpatayo ng libreng clinic na magbubukas sa susunod na taon.

Kuhang larawan mula sa YouTube video ng Eat Bulaga

Maraming netizens ang nagpahayag ng  paghanga sa episode na ito na inere ng Eat Bulaga. Kanilang pinuri ang researchers at staff ng noontime show dahil sa pagtatampok nito ng mga inspirational na mga kuwento.

This episode is worth the watch especially for the young people in their quest to achieving their dreams. The rich stories of success from ordinary native people prove that our social status and cultural backdrop will never define the things we are capable of achieving.

“Kudos to Creative, Writers and Researcher Team of Eat Bulaga! This Bawal Judgmental Segment is the best! Sobrang nakakaiyak at nakakataba ng puso makakita ng mga pursigido at mapangarap na katutubo! Sino pa tayo para magreklamo?”

“Naiyak ako but at the same time sobra akong na-proud sa kanila. Sa bansa natin na patuloy na naiimpluwensyahan ng ibang bansa, sila yung rare gem na napapanatili ang culture ng Pinas.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: