Batang nag-enroll online gamit ang pisonet, nakatanggap ng laptop, tablet atbp mula sa netizens

  • Bumuhos ang tulong para sa batang nag-viral habang sinusubukang mag-enroll online
  • Ang estudyanteng ito ay nakatanggap ng tablet at laptop na kaniyang magagamit sa darating na pasukan na mayroong online classes
  • Bukod sa mga gadget, nakatanggap din ang bata ng tulong pinansyal at marami rin ang nais magbigay ng school supplies hindi lang sa kaniya kundi pati sa mga estudyante rin sa kanilang lugar

Nag-viral sa social media at itinampok ang 12 anyos na batang sinubukang mag-enroll online gamit ang pisonet. Ang batang ito ay si Jhonel Agner, isang incoming grade 7 student mula sa Caloocan.

Imahe mua kay Peter Salire De Guzman via Facebook

Viral na bata na nag-enroll online gamit ang pisonet, mayroon palang nakalulungkot na kuwento

Ang larawan ni Jhonel habang matiyagang nag-enroll online kahit malapit na ang curfew at kakaunti lamang ang dalang barya ay nakuhanan ng netizen na si Peter Salire De Guzman na tumulong din sa bata.

Dahil sa kaniyang kuwento, maraming Pinoy ang humanga sa pagpupursigi ni Jhonel para lang makapagpatuloy na mag-aral sa gitna ng kahirapan at pandemya.

Sa isang ulat ng TV Patrol via YouTube channel, ibinalita na maraming Pinoy ang nagbigay ng tulong kay Jhonel para sa mga gagamitin niya sa darating na pasukan.

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube channel

Bumuhos ang tulong sa panawagang mabigyan si Jhonel ng maski lumang gadget para lang may magamit kapag nagsimula na ang kanilang online classes.

Muling dinalaw ng ABS-CBN News team ang pamilya ni Jhonel upang ibigay ang mga donasyong tablet, laptop, at tulong pinansyal ng mga Pinoy na nais siyang matulungan at mabigyan ng pag-asa.

“Mag-aaral ako mabuti para hindi po masayang ang binigay nilang tulong sa amin,” ani Jhonel na lubos na nagpasalamat sa mga nagbigay ng donasyon. Nagpasalamat din ang kaniyang ama na mag-isa na lamang na nagtataguyod  sa anak.

Imahe kuha mula sa video ng ABS-CBN News via YouTube channel

Ang uploader naman ng nag-viral na litrato ni Jhonel na si Peter ay masaya sa mga biyayang natanggap ng incoming grade 7 student. Dagdag pa niya, may mga kumausap na rin sa kaniya na magbibigay ng school supplies para kay Jhonel at maski sa iba pang estudyante sa kanilang lugar.

Dahil sa magandang naidulot ng simpleng post ni Peter, nagbabalak din siyang ilunsad ang proyektong magbibigay ng libreng Wi-Fi sa mga kapus-palad na estudyante tulad ni Jhonel. Kudos sa mga kagaya mo, Peter!

Panoorin ang buong ulat sa video na ibinahagi ng ABS CBN:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: