Bagong silang na sanggol sa Bacoor, Cavite natagpuan sa creek; mga residente, nagtulong-tulong para isalba ang bata

  • Nataranta ang mga residente sa Brgy. San Nicolas 3, Bacoor, Cavite matapos matagpuan sa creek ang isang bagong silang na sanggol
  • Dali-dali naman silang nagtulungan para isalba ang kawawang sanggol na ngayo’y nasa maayos nang kalagayan
  • Marami namang netizens ang hindi napigilang magalit dahil sa ginawang basta-bastang pagtatapon sa sanggol

Nabalot ng gulat at pangamba ang ilang residente sa Brgy. San Nicolas 3, Bacoor, Cavite matapos matagpuan sa creek ang isang bagong silang na sanggol noong ika-5 ng Hulyo 2020.

Imahe mula sa Facebook | Bacoor Trends

Ayon sa Facebook page na “Bacoor Trends”, natagpuan ang kawawang babaeng sanggol bandang 2:25 ng hapon. Umaalingangaw din umano ang iyak ng sanggol kaya napansin ito ng mga residente at dali-daling tinulungan para isalba.

Sa ulat naman ng 24 Oras, ikinuwento ng isang residente kung paano nila ni-rescue ang sanggol. Ayon sa kanya, gumamit sila ng gunting para putulin ang umbilical chord ng sanggol saka nila ito binalot at itinakbo sa pinakamalapit na clinic sa kanilang lugar.

Ngunit sa kabila ng kalunos-lunos na pangyayaring ito, nananatiling palaisipan pa rin daw kung sino ang nag-iwan sa kawawang sanggol. Marami ring netizens ang hindi napigilang magalit at mainis dahil sa ginawang basta-bastang pagtatapon sa sanggol.

“Sobrang sad, bakit may ganyang tao?! Kawawa naman ‘yung bata, hindi nakakapagsalita, iyak lang talaga para marinig siya. Nakakadurog ng puso,” sabi ni Agnes Agripa.

Ang sama naman na iniwan lang ‘yung baby kung saan lalo’t may virus ngayon. Sana inisip muna nung mother kapakanan ng baby n’ya… kung anong mangyayari sa anak n’ya,” giit ni Elizabeth Shah.

“Madaming gustong gusto magka-baby pero walang kakayanan or ‘di magkababy. Kawawa naman, sana pina-ampon mo na lang kung di mo kayang alagaan at magpaka-ina sa bata,” komento rin ni Lenam Toraleza Mii.

Imahe mula sa Facebook | Alfredo Maluyo Jr.

Samantala, dinala rin daw sa Bacoor Doctors Medical Center ang sanggol para suriin pero hindi na raw siya kinailangang i-admit dahil nasa mabuti na itong kalagayan.

Kasalukuyan namang nasa pangangalaga ng City Social Welfare Development ang sanggol. Patuloy rin ang paghahanap ng barangay sa mga magulang nito.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: