Bagong disenyo o bagong produkto? ‘Pancit Canton Milk Drink’, kinaaliwan ng marami

  • Kinaaliwan sa social media ang litrato ng “Pancit Canton Milk Drink” na ini-upload ng isang netizen
  • Makikita sa imahe ang isang lalagyan ng inumin na ang disenyo ay katulad ng nasa packaging ng Pancit Canton na “Kalamansi” flavor
  • Maraming napasaya ang post na mayroon nang mahigit 8,0000 reactions at lampas 25,000 shares, as of writing

Ngayong nauuso at paulit-ulit nagva-viral sa iba’t ibang social media platform ang paglikha ng mga bagong disenyo ng packaging ng mga sikat na produkto, nagiging mas malikhain din ang mga tao sa pagbuo ng mga konsepto.

Image captured from Facebook

Isa sa mga kinaaliwan ng maraming netizens kamakailan ay ang litrato ng “Pancit Canton Milk Drink” na ini-upload ng netizen na si Kenneth Sofia sa kanyang Facebook account.

“Okay, guys, hear me out,” saad ng social media user sa caption ng larawan na kanyang ini-upload sa nasabing social media platform.

Makikita sa imahe ang isang lalagyan ng inumin na ang disenyo katulad ng nasa packaging ng Pancit Canton na “Kalamansi” flavor. Maraming napasaya ang post na mayroon nang mahigit 8,0000 reactions at lampas 25,000 shares, as of writing. Libo-libo na rin ang nag-iwan dito ng kumento.

“Hala, cutiee,” kumento ng Facebook user na si Caylah Cuaresma. “Puwede na iyan. Aangal pa ba kami riyan?”

“Mukhang masarap ito tuwing madaling-araw,” wika ni Stephanie Layson.

Biro naman ni Alfred Blanco Nabayra, “Sarap ipartner sa noodles habang kinakain.”

Mayroon din nagsabi na dapat ay kumpleto ang variants ng Pancit Canton. Samantala, ang iba ay hindi nagustuhan ang ideya ng pagkakaroon ng milk drink na ang inspirasyon ay ganitong klase ng pagkain at maging ang isipin pa lamang na magkakaroon nito ay hindi katanggap-tanggap para sa kanila.

Image captured from Facebook

Kung magkakaroon talaga ng produktong kagaya nito, titikim ka ba ng “Pancit Canton Milk Drink”? Tatangkilikin mo rin kaya ang kakaibang inumin na ito?

Sa gitna ng iba’t ibang mga komento at reaksyon, isa lamang ang tiyak sa ngayon: gumawa ng ingay ang ideya ng instant noodles-inspired milk drink na ito.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: