Bagong abogado dinala ang standee ng mga magulang sa signing of the roll of attorneys

  • Isang bagong halal na abogado ang hindi naisama ang kaniyang mga magulang sa signing of the roll of attorneys dahil hindi maaaring magkaroon ng ibang bisita sa seremonya
  • Kaya naman naisipan ng abogadong ito na magpagawa ng standee ng kaniyang mga magulang upang ito ang dalhin sa seremonya
  • Ang signing of the roll of attorneys ay seremonya na isinasagawa ng mga bagong abogado na pumasa sa naganap na bar exam

Kahit nasa gitna ng pandemya, hindi naman nito napigilan ang Supreme Court (SC) upang ganapin ang signing of the roll of attorneys para sa mga passers ng 2019 bar examination.

Imahe mula kay KJ Rosales via Philippine Star Facebook page

The roll signing of the #BernaBar2019 lawyers will continue as scheduled despite the work suspension in the Supreme Court from July 20-22 under Memo Circular No. 07-2020 issued by Chief Justice Diosdado Peralta on July 17, 2020,” ayon sa inilabas ng tweet ng SC Public Information Office (PIO).

At kamakailan nga ay naganap na ang signing of the roll of attorneys sa SC na nagkaroon ng masinsinang disinfection, cleaning at sanitation sa iba’t ibang office at building upang maiwasan ang COVID-19 infection sa pagsasagawa ng seremonya.

Dahil sa physical at social distancing, nilimitahan na rin ng SC ang mga taong dadalo sa seremonya—kabilang na rito ang pagbabawal na magsama ng iba pang bisita ang mga bagong halal na mga abogado.

Imahe mula TV5 Facebook page

Kaya naman naisip ng bar exam passer na si Aivan Torres na gumawa ng iba pang paraan upang kahit papaano ay makasama pa rin niya ang mga magulang sa mahalagang araw ng kaniyang pagiging ganap na abogado.

Nagpagawa si Aivan ng standee ng kaniyang mga magulang habang ang mga ito ay magkasama at nakasuot pa ng mga pormal na damit at tila naka-pose sa harap ng camera. Para na rin niyang kasama ang mga magulang na pumunta sa SC dahil sa standee ng mga ito.

Marami namang netizen ang pumuri sa ginawang ito ni Aivan at sinabing tunay ngang karapat-dapat siyang ipagmalaki ng kaniyang mga magulang.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: