Award-winning Pinoy photographer, may libreng serbisyo para sa mga OFW na nawalan ng trabaho

  • Isang award-winning Pinoy photographer na nakabase sa Dubai ang tutulong sa kaniyang mga kapuwa OFW na nawalan ng trabaho
  • Upang matulungan ang mga kapuwa OFW, inilunsad ng photographer ang “100 Headshots Initiative”
  • Kukuhanan ng litrato ng Pinoy photographer ang mga OFW upang ito ang kanilang ilagay sa kanilang resume sa pag-apply ng trabaho

Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit naghahanap ng trabaho ang isang tao ay dahil kailangan niyang kumita ng pera. Ngunit ang paghahanap ng trabaho ay itinuturing din na magastos dahil sa mga kailangang asikasuhin.

Imahe mula kay Chris Calumberan via Instagram

Ngayong mayroong krisis, maraming Pinoy dito sa bansa at mga overseas Filipino workers ang nawalan ng trabaho at kasalukuyang naghahanap ng bagong mapapasukan.

Isa ang bansang Dubai sa United Arab Emirates na may maraming OFW na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Upang matulungan ang mga kapuwa Pinoy, naisip ng isang photographer na nakabase doon na tulungan ang mga ito sa pamamagitan ng pagkuha ng kanilang litrato.

Taong 2002 pa nasa Dubai ang award-winning Filipino photographer na si Chris Calumberan. Nakasama siya sa “Ilustrado Top 300” na mga Filipino achievers sa UAE. Nakakuha rin siya ng bronze medal sa isang Tokyo photography competition.

Imahe mula kay Chris Calumberan via Instagram

“I was blessed to have a very good client during the height of the pandemic in Dubai. I am just returning my blessings to the community,” ani Chris na napagdesisyunan na kuhanan ng litrato ang mga OFW na nasa Dubai upang magamit nila sa kanilang resume.

Inilunsad ng 40-anyos na photographer ang “100 Headshots Initiative”; ito ay pagtulong sa nasa 100 OFW na nawalan ng trabaho. “I coach my subjects. I study them and work with them to bring out the best in them. With that, I’m certain they will get the job,” ani Chris na taga Mandaluyong.

Imahe mula kay Chris Calumberan via Instagram

Ayon sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Dubai, tinatayang nasa 53,160 OFW ang no-work, no-pay habang nasa 26,580 ang tuluyang nawalan ng trabaho.

Ayon naman sa Philippine missions — embassy sa Abu Dhabi aat nd consulate general sa Dubai — nasa 26,500 OFW na umano ang kanilang natulungan upang mapauwi sa Pilipinas.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: