Asong nagtatampisaw sa swimming pool, kinaaliwan sa social media

  • Isang nakaaaliw na shih tzu ang nag-viral sa social media dahil sa pagtatampisaw nito sa swimming pool
  • Ang nasabing alagang aso ay isa sa mga kilalang shih tzu ng Facebook Page na Jack and the Balbons
  • Bukod sa pag-eenjoy nito sa tubig ay agaw-pansin din ang cute na cute na full swimming attire nito

Hindi lingid sa kaalaman ng maraming fur parents na ang ilan sa mga alagang aso ay hindi “fan” ng pagligo o pagtatampisaw sa tubigan.

Screenshot mula sa video ng Jack and the Balbons via Facebook

Ito ay maaaring dahil sa hindi nila nakasanayan ang maligo o kaya naman ay normal na base sa lahi ng kanilang alagang aso ang hindi pagkakagustong mabasa ng tubig.

Subalit isang nakaaaliw na video ang pumukaw sa atensyon ng mga netizens sa Facebook.

Ang kilalang shih tzu na si Daddy Zeus sa social media ay nakitaang naka-full attire at walang inhibisyon na magtampisaw sa gilid ng swimming pool.

Maraming netizens ang natuwa sa kakisigan ng asong ito na tila ba enjoy nito ang pagtatampisaw sa tubig.

Screenshot mula sa video ng Jack and the Balbons via Facebook

Bukod sa nakamamanghang kusang pagtatampisaw nito sa pool, ay nakaaaliw din pagmasdan ang suot nitong full swimming attire.

Si Daddy Zeus ang isa sa mga alagang shih tzu ng prominenteng Facebook Page na Jack and the Balbons.

Makikita sa page na ito na isa si Zeus sa mga shih tzu na alaga ni Mayor Jack. Parte ng shih tzu family ni Zeus ay sina Hera, Iya, Angel at Mingming.

iCLICK ANG IMAHE upang mapanood ang video ng Jack and the Balbons via Facebook

“Cute naman ni Daddy Zeus! Inggit ang fur baby ko!”

“Ang gwapo gwapo talga nitong s Daddy Zeus!!! Kilig ako sayo bebe”

“I love the background music!!  And of course that cute dog”

“Paano ba i-train yung dog para maligo? I have shih spitz… ayaw na ayaw niya maligo.”


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: