Arci Muñoz iginuhit ang mga karakter sa anime na ‘Ghost Fighter’

  • Marami ang namangha sa talento ng aktres na si Arci Muñoz hindi lang sa pag-arte kundi sa galing din niya sa pagguhit
  • Kamakailan ay ibinahagi ni Arci ang kaniyang iginuhit na mga karakter ng kilalang anime na “Ghost Fighter” na ngayon ay mapanonood sa Netflix
  • Ani Arci, sinipag siyang gumuhit dahil nais niyang balikan ang ang alaala ng kaniyang kabataan na dala ng nasabing anime

Ano-anong mga anime ang nagpababalik sayo gn mga alaala ng iyong kabataan? Hanggang ngayon ba ay ipinapalabas pa ang anime na ito o muli mo itong sinubukang panoorin online?

Imahe mula kay Arci Muñoz via Instagram

Maraming batang 90’s ang mayroong ‘di malilimutang alaala sa mga pinapanood na anime dati. At sa panahon ngayon, nais nating balikan ang ating pagkabata sa pamamagitan ng panonood muli ng mga nakalakhan na anime.

Kabilang ang aktres na si Arci Muñoz sa mga naabutan ng mga iconic anime na ipinapalabas dati sa telebisyon. Sa edad niya ngayon na 31, ipinanganak si Arci noong 1989—maituturing pa rin na batang 90’s.

Kamakailan ay ipinakita ni Arci ang kaniyang pagiging anime fan nang ibahagi niya ang iginuhit na larawan ng mga karakter sa kilalang anime na “Ghost Fighter.”

Imahe mula kay Arci Muñoz via Instagram

Sa kaniyang Instagram account, ibinahagi ni Arci ang iginuhit na larawan nina Eugene (Yusuke), Alfred (Kuwabara), Dennis (Kurama), at Vincent (Hueie).

Nilagyan niya ito ng caption na: Sinipag lang muling gumuhit… ang sarap lang balik balikan ng alaala ng kabataan ko. Eto ang namiss ng mga kabataan ngayon!

100 porsyentong excitement ready! Anime na Ghost Fighter, mapapanood na sa Netflix ngayong Hunyo

Dagdag pa ng aktres, buti na lamang at mapanonood muli ang “Ghost Fighter” o “Yu Yu Hakusho: Ghost Files” sa kilalang online streaming platform na Netflix.

Imahe mula kay Arci Muñoz via Instagram

Matatandaan na lumabas ang balitang magiging available ang anime na “Ghost Fighter” o “Yu Yu Hakusho: Ghost Files” sa Netflix at maraming batang 90’s ang nagdiwang.

Marami naman ang humanga sa guhit na ito ni Arci at binalikan din ang kanilang mga alaala na dala ng nasabing anime. Kakaiba talaga ang epekto ng mga hinahangaan natin noong kabataan!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: