Anak na babae ng beteranong aktor na si Joel Torre, may pagkakahawig kay Julia Montes

  • Maraming netizen ang nakapansin sa isang anak na babae ng beteranong aktor na si Joel Torre 
  • Bukod kasi sa nakabibighaning ganda at nakamamanghang talino ng anak na ito ni Joel Torre, ay kahawigin rin niya ang aktres na si Julia Montes
  • Hindi tulad ng kaniyang ama, hindi pinili ng anak ni Joel Torre ang pag-aartista subalit naitampok naman siya sa ilang articles at magazines

Kalimitang inaabangan ng maraming Pinoy ang mga magiging anak ng artista lalo na kung ito ay anak ng mag-asawang artista. Dahil maraming mga artista dito sa bansa ang mayroong lahing banyaga, tiyak na bata pa lamang ay nakabibighani na ang mga katangian ng kanilan mukha.

Imahe mula kay Joel Torre via Instagram

Ngunit kilala rin ang mga full-blooded Filipino celebrities sa kanilang mala-morena at morenong katangian na hinahangaan ng marami. Kahit mayroong mga artista ang mga nakapangasawa rin ng kapuwa artista, mas marami pa ring mga artista na nakapangasawa ng mga taong wala sa showbiz.

Isa ang beteranong aktor na si Joel Torre sa mga kilalang artista na mayroong asawa na hindi parte ng industriya ng showbiz. Ngunit kahit hindi parehong anak ng artista ay papasang mga artista naman ang kaniyang naging anak.

Mayroong dalawang anak na babae si Joel sa asawang si Christy Azcona, At isa sa kaniyang anak ay nakapukaw ng attention ng mga netizen dahil sa kaniyang pagkakahawig sa isa ring kilalang artista.

Imahe mula Instagram

Hindi tulad ng kaniyang ama, pinili ni Marela Torre na hindi pasukin ang pag-aartista. Ayon sa isang pahayag ng kaniyang ina, sinabi ni Christy na personal na desisyon ng kanilang anak na si Marela ang hindi pagpasok sa show business.

Marami naman ang nakapansin na mayrooong pagkakahawig si Marela sa aktres na si Julia Montes. Mula sa mata, ilong, at hugis ng mukha–maaari na silang mapagkamalang kambal.

Imahe mula Instagram

Bukod sa nakabibighani niyang mukha, nakamamangha rin ang talino ni Marela na nagtapos with honors majoring in Consular and Diplomatic Affairs sa De La Salle University in Saint Benilde.

Ngayon ay tumutulong si Marela sa kanilang family food business na JT’s Manukan Grille, restaurant na pagmamay-ari ni Joel na matatagpuan sa Bacolod, Negros Occidenta, ang kaniyang hometown.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: