Ama na tricycle driver at magsasaka nakapagpatapos ng mga anak sa kolehiyo; isang dentist at isang pharmacist:

  • Dalawang anak ang labis na nagpasalamat sa kanilang ama sa pagsusumikap nito na mabigyan sila ng sapat na edukasyon hanggang sa maka-graduate sa kolehiyo
  • Ang ama na ito ay isang tricycle driver at magsasaka na nakapagpatapos ng mga anak na ganap nang dentista at pharmacist
  • Ang ama nila na ito’y itinuturing nilang “real life superhero”

The quality of a father can be seen in the goals, dreams and aspirations he sets not only for himself, but for his family.” ―Reed Markham.

Imahe mula kay Marga Suobiron via Facebook

Isa sa kuwentong nagbibigay inspirasyon ngayon sa mga tatay, at maski sa mga ina, ay ang kuwento tungkol sa isang ama na kahit simple lamang ang hanapbuhay ay tiniyak na mabibigyan niya ang kaniyang mga anak ng edukasyon na nararapat para sa kanila.

Sa isang Facebook post, pinasalamatan at pinagmalaki ni Marga Suobiron ang kanilang tatay na malaki ang naging sakripisyo para makapagtapos siya at ang kaniyang kapatid sa pag-aaral.

Ngayon ay isa nang dentista si Marga at pharmacist naman ang kaniyang kapatid. Ang kanilang narating ay dahil sa pagsusumikap ng kanilang ama na isang magsasaka at tricycle driver.

Imahe mula kay Marga Suobiron via Facebook

Kuwento ni Marga, sa umaga ay nagtatrabaho ang kanilang ama sa bukid bago sila ihatid sa kanilang paaralan sakay ng tricycle. Dito na rin kumukuha ng pasahero ang kanilang ama.

“Kada kita niya sa pasada nilalagay niya ‘yung titig 5 peso-coins sa ibabaw ng drawer.  Iniipon niya. Then pag may babayaran sa school dun siya kumukuha,” ani Marga.

Kuwento pa ni Marga, nais niya sanang maging flight attendant ngunit hindi sumang-ayon ang kaniyang ama at sinabing kumuha na lang ng kursong dentistry. Hindi umano sang-ayon si Marga at kaniyang ina rito dahil hindi nila kayang tustusan ang kursong ito.

Imahe mula kay Marga Suobiron via Facebook

Ngunit pinilit siya ng kaniyang ama. “Sabi ng papa ko: ‘Okay lang ‘yan, mag-enroll ka.  Kaya natin ‘yan. Pagsisikapan ko yan!’ And he did,” ani Marga.

Mayroong isang pagkakataon na humingi siya sa kaniyang ama ng P20,000 para pambili ng dentistry materials at hindi umano ito nagreklamo.

Imahe mula kay Marga Suobiron via Facebook

“Alam ko ‘yung hirap ng tatay ko kakapamasada.  Mainit, maulan, may bagyo o wala,  alam ko ang hirap ng isang tricycle driver,” ani Marga. “Alam ko kasi nakikita ko ang tatay ko.”

“My father is a farmer and a tricycle driver and he’s my real life superhero. Nothing can change that. To Papa, at sa lahat ng tricycle drivers, saludo kami sa inyo!” pagmamalaki ni Marga.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: