ALAMIN: Mga bagong talents ng GMA Network

  • Nagbigay ng update sa kanilang website ang GMA Network tungkol sa mga bago nilang talents
  • Kabilang sa mga bagong talents na ito ay nakita o napanood na dati sa telebisyon
  • Mayroon namang mga bagong talents na unang sasabak sa showbusiness

Sa pagdaan ng panahon, dumarami rin ang mga artista na napapanood sa telebisyon. Ang iba sa kanila ay sumisikat at nananatili sa industriya, habang mayroon namang mga hindi pinalad at nawala agad sa lime light.

JAMIR ZABARTE (Imahe mula Instagram)

Ngunit wala mang kasiguraduhan ang magiging resulta ng showbiz career ng isang tao, marami pa rin ang sumusubok na pasukin ito at tahakin ang pagiging artista.

Mayroon namang mga Pinoy ang palaging sumusubaybay sa mga bagong talent na sasabak sa isang TV network. At kamakailan, nagbigay ng update sa kanilang website ang GMA Network tungkol sa mga bago nilang talents na susubaybayan ng mga manonood.

Una sa kanilang listahan ng mga bagong miyembro ng GMA Artist Center ay ang celebrity chef na si Jose Sarasola. Si Jose Sarasola ay Filipino-Spanish actor na una nang napanood sa “Pinoy Fear Factor” at lumabas na rin sa ilang pelikula at TV projects.

JOSE SARASOLA (Imahe mula Instagram)

Sunod naman ay si Jamir Zabarte, ang tinawag na “next cutie” na susubaybayan sa GMA Network. Unang napanood si Jamir sa isang softdrink commercial kasama ang Kapamilya actress na si Liza Soberano.

Nakasama rin sa mga bagong artist sa GMA ang pinakabago nilang child star na si Heath Jornales. Siya ay anak ng aktor na si Michael Roy Jornales kaya’t hindi rin maitatanggi ang kaniyang kagwapuhan at galing sa pag-arte kahit sa murang edad.

Imahe mula Instagram

Tinawag naman na “newest young pretty face in GMA Artist Center” si Ashley Sarmiento. Ang batang aktres ay dati nang napanood sa programa ng ABS-CBN na “Goin’ Bulilit.”

Noong nakaraang taon, nakatanggap si Ashley ng award sa Urduja International Film Festival dahil sa kaniyang pag-arte sa pelikulang “Viral Kids.”

ASHLEY SARMIENTO (Imahe mula Instagram)

Nasa huli naman ng listahan ang pamangkin ng senador na si Risa Hontiveros na si Luis Hontiveros. Unang nakilala si Luis sa modelling at kamakailan ay sumabak na rin siya sa pag-aartista bilang bagong miyembro ng GMA Artist Center.

Pakatutukan natin ang mga bagong Kapuso na ito at baka isa na sa kanila ang tatanghalin na “next big star!”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: