A Mother’s Love: K Brosas proud at mahal ang anak kahit na ano pa ang kasarian nito

Kuhang larawan mula sa YouTube video ni K Brosas
  • Masaya at proud na inanunsyo ni K Brosas sa kanyang birthday vlog na ang kanyang anak ay parte ng LGBT community
  • Ibinahagi ni K na bago pa man umamin sa kanya ang anak ay alam na niya noong nasa high school pa lamang ito
  • Humingi si K ng paumanhin sa mga taong hindi makaiintindi sa kanyang pagsuporta dito

“Anak, kahit ano ka, kahit halamang dagat ka pa, mamahalin kita. Kasi that’s you know, unconditional love bilang magulang.”

Kuhang larawan mula sa YouTube video ni K Brosas

Emosyonal ang latest video na in-upload ni K Brosas sa kanyang YouTube channel kung saan tampok ang anunsyo ukol sa kasarian ng kanyang anak.

Sa birthday vlog na ito ay inanunsyo ni K at ng kanyang anak na si Crystal Brosas na ang huli ay parte ng LGBT community.

Ayon kay K, alam na niya ito noong high school pa lamang ang anak at tanggap niya ito sa simula pa lamang.

Parte rin ng anunsyo na ito ay humingi ng paumanhin si K sa mga taong may salungat na opinyon ukol sa pagsuporta sa LGBT community.

Kuhang larawan mula sa YouTube video ni K Brosas

Ayon dito, ang sexual preference ng anak ay walang kinalaman sa pagmamahal niya rito, at kung anuman ang gusto ni Crystal gaya ng music, pagsasayaw at pagco-compose ng kanta ay susuportahan niya ito.

Kasunod ng video na ito ay nag-post si Crystal Brosas ng mensahe sa Instagram para sa kanyang ina.

Kuhang larawan mula sa Instagram ni Crystal Brosas

“During college, I had an unexpected chance to come out to my Mom. July 7, 2017. Although she knew firsthand, it was me who confirmed to her that it was true. That time, I cried and she accepted me with open arms. No judgment, no doubts—only unconditional love. And it was one of the best days of my life.”