17-anyos na lalaki, lumikha ng mga portraits gamit lamang ang ketchup

  • Sa murang edad ay nakabibilib na ang talento ng 17-anyos na lalaki dahil sa mga ginagawang obra
  • Napilitan ang lalaki na gumamit ng ibang materyales para sa kaniyang mga artwork dahil na rin sa pandemic
  • Gamit lamang ang ketchup, nakalikha ang nasabing lalaki ng mga portraits ng mga kilalang artista at personalidad

Ano-ano na nga ba ang naidulot ng pandemya sa ating buhay? Marami man ang hindi magandang epekto ng nangyaring COVID-19, tinulungan din tayo ng krisis ngayon na mas maging matatag kasama ang pamilya.

Imahe mula kay Vincent Dwight Paulo via Facebook

Dahil rin sa lockdown dulot ng pandemya, marami ang nagkaroon ng oras para sa sarili habang nasa loob ng bahay. Ginamit ito na pagkakataon ng ibang Pinoy na sumubok ng mga bagay na hindi pa nila nagagawa, habang mayroon naman mas pinabuti ang kanilang kakayahan.

Isa ang 17-anyos na local artist mula sa Nueva Ecija ang itinuring na hamon ang nangyaring pandemya para sa kaniyang sining. Dahil hindi makalabas upang bumili ng mga materyales sa paggawa ng kaniyang obra, umisip siya ng ibang paraan upang pairalin ang pagiging malikhain.

Naisip ni Vincent Dwight Paulo na gumamit ng ketchup sa paggawa ng portraits ng mga kilalang personalidad—ang resulta ay sadya nga namang nakamamangha!

Imahe mula kay Vincent Dwight Paulo via Facebook

“Gusto ko pong mag-try and mag-explore ng iba’t ibang medium and alam niyo naman po lockdown nagkaka-ubusan ng mga art materials kaya nagtingin tingin po ako sa bahay namin kung ano pwedeng gamitin para gumawa po ng art at dun ko po nakita ‘yung ketchup,” ani Vincent Dwight.

Kuwento pa niya, inaabot siya ng hanggang tatlong oras para lang sa isang portrait. Ang ilan sa mga mga nagawan na niya ng ketchup portrait ay sina Taylor Swift, Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, K-pop girl group na Blackpink, One Direction, at marami pang iba.

“Gusto ko rin i-inspire ‘yung mga tao na hindi lang natatapos sa lapis at mga pangkulay ang paggawa ng sining. Maraming pwedeng gamitin tumingin ka lang sa paligid,” ani ng 17-anyos na artist.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: