Wala nang naiwang kontraktwal: Mayor Vico Sotto, nag-regular ng 100 employees sa mismong kaarawan niya

  • Sa mismong araw ng kaniyang ika-31 na kaarawan ay mayroong ibinahaging magandang balita si Pasig City mayor Vico Sotto
  • Pinirmahan ni Mayor Vico ang appointment papers ng 100 newly regularized employees na 20 taon nang nagta-trabaho sa lungsod
  • Ayon kay Vico, wala nang naiwan na kontraktwal sa mga empleyadong mahigit 20 taon nang nasa serbisyo

Ano ang iyong ginagawa sa mismong araw ng iyong kaarawan? Kung aabutan ang iyong kaarawan ng “birthday quarantine” at hindi ka maaaring magdiwang sa labas kasama ang iyong mga kaibigan, ano na lamang ang maaari mong gawin?

Imahe mula kay Vico Sotto via Facebook page

Para kay Pasig City mayor na tinaguriang “millennial mayor” na si Vico Sotto, isa na marahil sa pinakamagandang birthday gift na matatanggap niya ay ang mga papeles na nagsasabing regular na ang 100 empleyadong kaniyang nasasakupan.

Sa mismong araw kasi ng ikaw-31 na kaarawan ni Mayor Vico ay ibinahagi niya sa Facebook na kakapirma lang niya ng appointment papers ng 100 newly regularized employees.

Kabilang sa mga empleyadong ito ay mga streetsweeper o mga naglilinis sa daan, engineering aide, at iba pa. Ang mga empleyado umanong ito ay mahigit 20 taon nanatiling kontraktwal sa ilalim ng lokal na pamahalaan ng Pasig.

Imahe mula kay Vico Sotto via Facebook page

Dagdag pa ni Mayor Vico, “I am happy to announce: WALA NANG NAIWAN NA KONTRAKTWAL SA MGA EMPLEYADO NATING MAHIGIT 20 YRS NANG NASA SERBISYO.”

Pagbabahagi pa ng Pasig City mayor, nagkaroon man ng pagkaantala sa regularization ng mga empleyadong ito dahil sa COVID-19 pandemic, ay ipagpapatuloy na nila ito sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ang post ay nilagyan pa ni Mayor Vico ng hashtag na “UmaagosAngPagasa na nagpapatunay lamang na tuloy-tuloy ang mga tulong na kanilang ibabahagi para sa mga nasasakupan sa gitna ng pandemya.

Imahe mula kay Vico Sotto via Facebook page

Mayor Vico Sotto sa kaniyang kaarawan: ‘Wala munang surprise party, please’

Para naman sa kaniyang kaarawan, hiniling ni Mayor Vico na huwag siyang bigyan ng surpresa dahil ipinagbabawal ang mass gathering sa ilalim ng GCQ.

Sa mga nais namang magbigay sa kaniya ng regalo, “Bumili na lang po kayo ng grocery food pack at ipamigay sa nangangailangan (pwede n’yo i-drop off sa RED o sa mayor’s office; kung ano ang mas convenient),” ani ng alkalde.

Wala namang naiulat na nangyaring surpresa sa kaarawan ni Mayor Sotto na kaniya namang kahilingan.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: