Virus ka lang, nagmamahalan kami: Magkasintahan, namataang sweet kahit may physical distancing

  • Sa viral Facebook post ngayon, ikinuwento ng isang netizen ang nakasabay niyang magkasintahan na kumain sa isang dine-in restaurant
  • Kahit may physical distancing ay sobrang sweet pa rin ng mga nasabing magkasintahan
  • Ang magkasintahan kasi ay magkausap pa rin gamit ang kanilang mga telepono habang magkaharap at kumakain

Handa ka na ba sa new normal? Sa ilalim ng bagong pamumuhay nating mga Pinoy sa gitna ng COVID-19 pandemic ay maraming limitasyon at alituntunin na susundin, ito ay upang maiwasan ang pagkalat pa ng virus.

Imahe mula sa Philippine News Agency

Karamihan ng mga lugar dito sa bansa ay nasa ilalim na ng General Community Quarantine (GCQ). Ibig sabihin ay makalalabas na ang iba sa atin at bukas na rin ang ibang pampublikong lugar tulad ng mga mall at restaurant.

Sa ilalim ng new normal ay importante ang pagsuot ng face mask at pagsunod sa physical at social distancing, ibig sabihin ay kailangang isang metro ang layo ng isa’t isa habang nasa publiko.

Ngunit paano naman ang mga magkasintahan na nais makabawi sa mga oras at araw na hindi sila magkasama? Paano na sila magsasama kung sa labas ay hindi sila maaaring magtabi?

Imahe mula Freepik

Ngunit sadya ngang mas malakas ang pagmamahalan ng dalawang tao kahit pa may pandemya, ito ang nasaksihan ng netizen na si Jun Mark Patilan habang kumakain sa isang dine-in restaurant.

Sa isa ngayong viral Facebook post, ikinuwento ni Jun Mark ang magkasintahan na nakasabay niyang kumain sa fastfood resto na KFC. Dahil sa physical distancing ay magkakalayo-layo ang mga upuan sa loob ng kainan.

Magkahiwalay ngunit magkatapat na naupo ang magkasintahan na nakita ni Jun Mark. Kalaunan ay narinig niyang nagsasalita ang babae kahit malayo sa kaniyang boyfriend.

Imahe mula kay Jun Mark Patilan via Facebook

Dito niya napagtanto na magkausap pala ang dalawa gamit ang kanilang mga cellphones. “Inobserbahan ko sila at nakita kong magkatawagan pala sila sa phones nila! Gamit nila yung earphones nila para makapag-kwentuhan pa din sila kahit magkalayo at kumakain,” kuwento ng uploader.

Isa araw pagkatapos itong i-post ay umani na agad ng 147k reactions at 58k mula sa mga netizen na napa-SANA ALL na lamang.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: