Video ng walang kupas na pagmamahalan ng lolo at lola na 52 years nang kasal, kinakiligan ng netizens

  • Napasabi na lamang ng “sana all” ang mga netizens matapos panoorin ang isang viral video na kanilang kinakiligan sa social media
  • Tampok kasi rito ang lolo at lola na sweet na sweet pa ring sumasayaw sa saliw ng musika sa kabila ng mahigit kalahating siglo nilang pagsasama
  • Marami naman ang sumaludo sa tibay ng pagmamahalan ng dalawa at umasa na sana’y maranasan din nila ito balang araw

Marahil isa na sa mga pinaka-inaasam nating pangarap ay ang makatagpo ng tao na mamahalin at makakasama habambuhay.

Sino ba naman kasi ang aayaw na umibig at maging masaya, hindi ba? Kaya naman bunsod nito, hindi na rin siguro nakapagtataka kung bakit nahuhumaling ang ilang mga Pinoy sa iba’t ibang teleserye at romantikong pelikula na mayroong masasayang plot twist o story line. Kalimitan din kasi, mas nag-eenjoy talaga tayo kapag nagkakaroon ng “happy ending” ang paborito nating palabas o ‘di kaya ay kapag magkasamang tumanda ang mga bida sa istorya.

Public Domain Image

Pero para sa ibang tao, hindi lamang sa telebisyon mayroong wagas na pag-iibigan dahil maging sila misimo ay “living proof” din nito. Katulad na lamang ng lolo at lola na 52 years nang kasal at pinag-usapan sa social media dahil sa kanilang matibay na pagsasamahan.

Sa viral video na in-upload ni Claire Saldon Acaylar sa Facebook, makikita kung gaano ka-sweet ang dalawang matanda sa kabila ng paglipas ng panahon. Habang nagsasayaw kasi, ngiting ngiti si lolo at talagang may niregalo pang bulaklak para kay lola!

“Isasayaw ka hanggang sa pagtanda. 52 years of marriage. SANAAAA OLLLLLLLLLL,” pahayag ni Claire sa caption ng kanyang post.

Imahe mula sa Facebook | Claire Saldon Acaylar

Samantala, hindi naman napigilan ng ilang netizens na kiligin at maiyak matapos panoorin ang video ni lolo at lola. Sa katunayan, umabot na nga sa mahigit 4.7 M views, 167,000 shares at 132,000 reactions ang post na ito.

“So sweet ni tatay, more years of happiness and live, love, laugh!” sabi ni Grace Magalona Ladao.

“This video makes me cry.. Ahhhh so sweet,” komento rin ni Julie Pearl Mendoza.

Sana all ganyan hanggang sa pagtanda.. Sarap makakita ng ganito. Keep safe po sa inyo nay, tay. God bless po,” ani naman ni Joshua Badiola.

Tunay nga, may mga pagmamahalan na hindi kumukupas kahit lumipas ang maraming panahon. Saludo po kami sa inyo, lolo at lola!


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: