TINGNAN: 85 anyos na lola, litaw na litaw pa rin ang ganda sa isang photo shoot

  • Usap-usapan ngayon sa social media ang ilang litrato mula sa isang viral na pictorial
  • Tampok kasi rito ang natatanging ganda at awra ng isang 85 anyos na lola
  • Marami namang netizens ang natuwa kay lola at talagang bumilib sa anila’y walang kupas nitong kagandahan

May kasabihan tayong mga Pinoy na mas gumaganda ang isang tao kapag s’ya ay masaya. Sa katunayan, lumalabas nga raw ang ating matatamis na ngiti sa t’wing nagagalak tayo. Kaya naman sa mga pagkakataong ganito, talagang masasabi natin na walang katumbas ang pakiramdam ng pagiging masaya — ‘yun bang kahit anong edad mo pa, nananatiling masigla ang iyong katawan at tiyak na lilitaw pa rin ang galak sa iyong itsura.

Imahe mula sa Facebook | Aliz Paelmo Alcala

Ganito ang ipinabatid sa atin ng isang lola na nag-viral sa social media dahil sa kanyang pambihirang photo shoot. Sa edad kasi na 85, litaw na litaw pa rin sa itsura ni Aida Alcala Enriquez ang walang kupas niyang kagandahan at galing sa pag-awra.

“You’re never too old to show your beauty,” pahayag ni Aliz Paelmo Alcala na siyang nag-upload ng mga larawan ni Lola Aida. Kasama niya rin sa munting photo shoot na ito ang netizen na si Jaira Enriquez na siya namang nagsilbing photographer ni lola.

Bukod pa rito, makikita rin sa naturang post na halos kuhang-kuha ni Lola Aida ang ilang “signature pose” at “fierce shots” na kalimitan ay nakikita natin sa mga cover ng magazines. Bumilib din ang mga netizens sa ganda ni Lola Aida at ilan pa sa kanila ang nagplanong gawin din ito sa kanilang pagtanda!

Imahe mula sa Facebook | Aliz Paelmo Alcala
“Napakaganda siguro ni mother nung kabataan n’ya,” sabi ni Ace Seda. “Ang ganda naman ni lola model ang dating,” saad din ni Jen Khym. OMG! Ang ganda. Lakas maka dalagang Pilipina,” komento naman ni Karylle Joi.
Sa ngayon, umabot na sa mahigit 32,000 reactions at 31,000 shares ang viral post na ito. Patuloy din itong nagsilbing paalala sa mga Pilipino na kahit anong edad mo pa, hindi pa rin huli ang lahat para ipakita ang iyong natatanging ganda.

Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: