Tatlong henerasyon o limang miyembro ng isang pamilya sa Laguna, naka-survive sa COVID-19

  • Tatlong henerasyon o limang miyembro ng isang pamilya—mga magulang, anak, at apo—ay tinamaan ng COVID-19
  • Ngunit ang lahat ng miyembro ng pamilya na tinamaan ng coronavirus ay nakaligtas mula sa kapahamakan
  • Ayon sa pamilya, dahil sa nangyari ay mas lalong tumibay ang kanilang pagsasamahan at alam na rin nila ang mga paghahanda sakaling tamaan ulit ng virus ang kanilang pamilya

Lahat tayo ay nangangamba na maging positibo sa coronavirus. Hindi lang dahil nangangamba tayo para sa ating mga sarili kundi para na rin sa sa kapakanan ng ating pamilya na ating nakakasalamuha.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube channel

Isang pamilya mula Biñan, Laguna ang hindi inaasahang tinamaan ng COVID-19; hindi lang isang miyembro kundi tatlong henerasyon sa kanilang pamilya ang dinapuan ng nasabing virus.

Limang miyembro mga magulang, dalawa nilang anak, at isang apo—ang nagpositibo sa COVID-19. Ngunit ganun pa man, lahat sila ay gumaling at nakaligtas mula sa virus.

Ang kuwento ng pamilyang ito ay tampok sa programang “Survivors” ng GMA News kung saan ay ibinabahagi ng mga Pinoy na nakaligtas sa coronavirus ang kanilang pinagdaanan.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube channel

Ayon sa kuwento ng pamilya, ang unang nakaramdam ng sintomas ng virus ay sina Mae Cortes at kaniyang ina na si Zeny. Nang magpatingin sa hospital ay napag-alaman na “low risk” ang dalawa: bumaba ang platelet ni Zeny habang regular asthma naman ang nararamdaman ni Mae.

Ngunit lumala ang kondisyon ng mag-ina hanggang sila ay sumailalim sa swab test at napag-alaman na positibo sila sa coronavirus noong Marso. Dahil dito, umuwi ang kapatid ni Mae na si Mau upang mag self-quarantine dahil siya ang nag-alaga sa kanilang ina sa hospital.

Naging kritikal ang kondisyon nina Zeny at Mae, ngunit hindi sila nawalan ng pag-asa. Sa kabutihang palad, naging maayos ang kondisyon ng mag-ina at nakauwi na sila sa unang linggo ng Abril.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube channel

Ngunit tatlong araw pagkauwi nila ay ang anak naman ni Mae at ang kaniyang tatay ang nagpositibo sa COVID-19. Sila ay dinala sa hospital at na-admit. Buti na lamang at “mild” lang ang sintomas ng mag-lolo.

Pagkatapos ng isang linggo ay nakalabas na rin ang mag-lolo sa hospital. Ngunit hindi pa rito natatapos ang unos ng pamilya, dahil ang kapatid ni Mae na si Mau naman ang dinapuan ng virus.

“Hindi ako nag-alala kasi alam ko sa sarili ko na malalampasan ko siya kasi wala akong symptoms. Wala ako ‘yung severe,” kuwento ni Mau. Mayo nang bumuti ang kaniyang lagay at nakalabas na siya sa hospital.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube channel

Ayon pa kay Mau, dahil sa virus ay natuto ang pamilya nila na maging matatag at mas tumibay din ang kanilang pagsasamahan.

“Starting na-discharge kami, we are all calm na. Sabi nga namin, we’re equipped already for this situation. We know what to do already kasi we’ve experienced it,” ani Mau.

Totoo nga naman na mas malakas ang isang pamilya kapag sama-sama.

Panoorin ang buong kuwento ng pamilyang ito sa video na ibinahagi ng GMA Metwork via YouTube:


Loading...
Source :

YouTube, GMA News

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: