Sunshine Cruz ibinahagi ang relasyon ng dating asawang si Cesar Montano sa kanilang mga anak

  • Hindi naging maganda ang relasyon at paghihiwalay ng celebrity couple na sina Sunshine Cruz at Cesar Montano
  • Naghiwalay ang mag-asawang celebrity noong 2013 at taong 2018 nang maging opisyal ang kanilang annulment at napunta kay Sunshine ang tatlo nilang anak na babae
  • Kamakailan, ibinahagi ni Sunshine ang partisipasyon ng dating asawa sa buhay ng kanilang mga anak

Naging malaking usapan noong 2013 ang paghihiwalay ng mag-asawang celebrity na sina Cesar Montano at Sunshine Cruz pagkatapos ang 13 taong pagsasama.

Imahe mula kay Cesar Montano via Instagram

Iba’t ibang issue, kontrobersiya, at hindi magagandang salita ang nabitiwan ng dalawang panig. Taong 2014 nang mag-file sila ng annulment at pagkatapos ng apat na taon ay saka napawalang-bisa ang kanilang kasal.

Nakuha ng aktres na si Sunshine ang kustodiya ng tatlo nilang mga anak na babae na sina Angelina, Samantha, at Chesca. Habang iba’t ibang mga babae ang na-link sa action star na si Cesar.

Dalawang taon pagkatapos ng kanilang annulment ay ikinuwento ni Sunshine na malaki na ngayon ang partisipasyon ng dating asawa sa buhay ng kanilang mga anak.

Imahe mula kay Sunshine Cruz via Instagram

“This year, nagkaroon siya ng participation. Mas may participation siya sa mga bata. They are in touch. Minsan magkasama pa silang nagsisimba,” pagbabahagi ng aktres sa isang ulat sa Pilipino Star Ngayon.

Kuwento pa ni Sunshine, pinaalala niya sa mga anak na kung ano man ang nangyari sa kanila noon ay hindi nangangahulugang hindi sila mahal ng kanilang ama.

“Sabi ko naman sa mga bata, ‘Kung ano man ‘yung nangyari noon, hindi naman ibig sabihin noon hindi na kayo mahal ng tatay ninyo. Kahit anong mangyari, tatay n’yo pa rin yan,’” ani aktres.

Imahe mula kay Sunshine Cruz via Instagram

Inamin din niya na nagkaroon ng maraming pagkakataon na labis siyang nalungkot dahil sa naramdamang pag-iisa. “Wala naman kasing ibang sasandalan ‘yung tatlong anak ko kung ‘di ako lang. Kapag pinakita ko na weak ako, panghihinaan din sila ng loob.”

Kasalukuyang magkarelasyon si Sunshine at si Macky Mathay; ang kapatid ng aktres na si Ara Mina.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: