Sen. Imee Marcos nais gawing mandatory ang work-from-home arrangement

  • Sa ilalim ng lockdown, maraming Pinoy ang napilitang lumiban sa trabaho at sumailalim sa “no work, no pay” setup
  • May mga kompanya naman na nagkaroon ng work from home arrangement para sa kanilang mga empleyado
  • Nais ni Senator Imee Marcos na maging mandatory na ang work from home option ng mga kompanya sa pamamagitan ng pagpasa ng Senate Bill 1448

Isa sa mga labis na naapektuhan ng COVID-19 pandemic ay ang mga manggagawang Pinoy. Marami sa kanila ang nawalan ng trabaho, kaya sa gitna ng lockdown ay nawalan ng pagkakakitaan ang maraming pamilya.

Imahe mula sa Philippine News Agency

Mayroon namang mapapalad na mga Pinoy na sumailalim sa work from home (WFH) setup ng kanilang kompanya. Karamihan sa mga empleyadong naka-WFH ay iyong ang trabaho ay nasa opisina at maaaring sa bahay na lang gawin.

Suportado ng pamahalaan ang WFH arrangement dito sa bansa. Noong December 2018, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Telecommuting Law o Work From Home Bill. Ito ay pagpapahintulot sa mga private sectors ng WFH upang mabawasan na rin ang traffic congestion sa bansa.

Nakalagay sa Work From Home Bill: Should the physical presence of the employee be necessary for a particular task, the employer may require his/her attendance in the workplace, within office hours and during weekdays, but not more than twice a week.

Imahe mula Freepik

Ngayong mayroon pandemya, nais naman ni Sen. Imee Marcos na maging mandatory na ang WFH option ng iba’t ibang sektor sa pamamagitan ng pagpasa ng Senate Bill 1448.

Nakapaloob sa batas na ito na maaaring piliin ng empleyadong isang taon nang nagtatrabaho sa pinapasukang kompanya ang WFH arrangement.

“Clearly, a ‘new normal’ of social distancing, new hygiene standards and limited physical contact shall prevail in the future,” ani senador. Sa ilalim ng bill, hindi kinakailangang pumasok ng empleyado sa kanilang opisina upang magtrabaho.

Imahe mula Philippine News Agency

Ayon din kay Sen. Imee, kinakailangang magkaroon ng malaking pagbabago sa work policy ang mga kompanya na magpapapasok pa rin ng kanilang mga empleyado sa opisina upang matiyak na nasusunod ang distancing measures.

Tiyak na maraming Pinoy ang makababalik muli sa trabaho kapag nagkaroon ng option ang mga kompanya ng work- from-home setup.


Loading...
Source :

GMA News, Rappler

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: