Ryza Cenon ibinida ang kaniyang bagong pixie haircut

  • Ginulat ng aktres na si Ryza Cenon ang mga Pinoy netizens nang kaniyang ipakita ang bagong gupit na buhok
  • Ngayon ay naka-pixie haircut na ang aktres, isang uri ng gupit na halos kasing ikli ng buhok ng kalalakihan
  • Maraming netizen at tagahanga ng akres ang mas lalong nabighani sa ganda ni Ryza

“A woman who cuts her hair is about to change her life.” – Coco Chanel

Imahe mula kay Ryza Cenon via Instagram

Pamilyar ang marami sa atin sa kasabihang, “a woman’s hair is her crowning glory.” Ang kaniyang buhok nga naman ang isa sa pinaka-iingatang katangian ng isang babae.

Tradisyonal na sa mga Pinay ang pagkakaroon ng mahabang buhok. Kilala ang mga sinaunang Pinay sa kanilang mahaba, makakapal, at itim na itim na buhok.

Ngunit sa pagdaan ng panahon, nagkaroon na ng eksperimento ang kababaihan sa pag-iistilo ng kanilang “crowning glory.” Nilagyan na nila ito ng mga kulay, iba’t ibang haba, at bagong mga hugis.

Imahe mula kay Ryza Cenon via Instagram

At karamihan sa mga Pinay na may maiikling buhok ay iyong may lakas ng loob na pagupitan ito nang sobrang ikli nang hindi nawawala ang confidence sa sarili.

Ito ang ipinakita ng aktres na si Ryza Cenon nang kaniyang ibahagi ang bagong haircut sa kaniyang official Instagram account. Maraming netizens ang nabigla sa bagong hitsura ng aktres.

Imahe mula kay Ryza Cenon via Instagram

Si Ryza kasi ay mayroon nang “pixie” haircut; ibang-iba sa nakagawian ng marami na mahaba niyang buhok. Ang pixie haircut ay gupit ng mga babae na halos pareho na sa maikling gupit ng kalalakihan.

Nilagyan ni Ryza ang mga litrato ng bagong haircut ng maikling caption na: Short hair, don’t care. Habang mapapansin naman sa kaniyang mga ginamit na hashtags na kaya siya nagpagupit ay dahil nasira ang kaniyang buhok.

Imahe mula kay Ryza Cenon via Instagram

Pagbibiro pa nga ni Ryza sa isang ibinahaging litrato na hindi na niya kailangan ng FaceApp upang malaman kung ano ang kaniyang magiging hitsura kung maikli ang buhok.

Sa kababaihan, may lakas ng loob din ba kayong magpagupit ng pixie cut?


Loading...
Source :

Instagram

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: