Rider naiyak matapos ikansela ng buyer ang inorder nitong 2 bisikletang P6,000 ang isa

  • Napaiyak na lamang ang isang rider matapos ikansela ng buyer ang inorder nitong dalawang bisikleta na nagkakahalaga ng P6,000 ang isa
  • Sa isang Facebook post, humingi ng tulong si Rissa Camongol sa mga netizens na baka maaaring bilhin na lamang nila ang mga nasabing bisikleta kung medyo nakaluluwag naman sila sa buhay
  • Aniya, maaaring makipag-ugnayan sa rider na si Prince Salvador sa numerong 09382645671

Sa gitna ng COVID-19 crisis sa bansa, online selling ang isa sa mga kinakapitan ng mga taong naghahangad na maitawid ang pang-araw-araw nilang pangangailangan ngayong mahirap kumita dahil sa dami ng mga kumpanyang kinailangang magsara pansamantala.

Image captured from Facebook

Gayunman, naging isa sa pangunahing suliranin ng online sellers at riders ay ang mga buyer na nagkakansela ng order. At kamakailan, isa na naman sa kanila ang nagkaroon ng hindi magandang karanasan mula sa isang umorder na hindi naman itinuloy bilhin ang kanilang ipina-deliver.

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, humingi ng tulong si Rissa Camongol nang niyang makitang umiiyak ang rider na si Prince Salvador matapos ikansela ng buyer ang inorder nitong dalawang bisikleta na nagkakahalaga ng P6,000 ang isa. Umaasa siya na may mga makababasa ng kanyang post na medyo nakaluluwag sa buhay at bibilhin na lamang ang mga bisikleta.

“Hello, friends, especially to those who live in Rizal/Valenzuela areas. I saw this rider kanina. May buyer na nag-cancel ng bike orders sa kanya. Two bikes ang dala niya para i-deliver sana. Umiiyak si Sir kanina dahil nabayaran na raw niya iyong bikes at galing pa siyang Valenzuela. Baka may interested sa inyo na bumili. P6,000 each,” saad ni Rissa sa caption ng litratong ini-upload niya.

Aniya, maaaring makipag-ugnayan kay Prince sa numerong 09382645671.

Marami ang nakaramdam ng lungkot at awa sa rider, habang ang iba naman ay hindi napigilang magalit sa sinapit nito.

Image captured from Facebook

As of writing, wala pang update tungkol sa mga mga bisikletang ipinagbibili.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: