Professor nag-propose sa kaniyang long-time GF habang ‘summer solstice’ at mayroong solar eclipse

  • Pinag-uusapan ngayon online ang naging marriage proposal ng isang professor sa kaniyang girlfriend habang summer solstice at mayroong solar eclipse
  • Pinili ng prof ang panahon na ito dahil pareho sila ng kaniyang kasintahan na mahilig sa night sky
  • Ang engagement ring naman na ibinigay niya sa kanyang girlfriend ay ginawa niya mismo at inukitan ng Baybayin na kataga

Iniisip mo ba kung paano mo gagawin o paano mo mararanasan ang marriage proposal? Ano ang pinapangarap mong eksena kapag mag-aalok ka na ng kasal sa iyong girlfriend o tatanungin ka na ng iyong boyfriend ng magic words na “will you marry me?”

Imahe mula Freepik

Para kay Atty. Marianito Dio, Jr., isang propesor sa De La Salle Lipa, wala nang mas gaganda pa sa naisip niyang plano para alukin ng kasal ang kaniyang long-time girlfriend. Ang kaniya kasing marriage proposal ay naganap habang summer solstice at mayroong solar eclipse.

Ayon sa propesor, naisip niya ang ganitong konsepto ng kaniyang marriage proposal dahil pareho umano silang mahilig ng kaniyang kasintahan sa pagmamasid sa langit tuwing gabi, at dahil mahilig din siya sa astrophotography.

Kuwento ni Atty. Marianito, dapat ay noong nakaraang buwan pa siya magpo-propose sa kaniyang girlfriend, ngunit dahil sa community quarantine ay naudlot ito.

“Dapat sana nung 100th month namin last month kaso medyo strict pa ang quarantine rules nun kaya hindi ko naituloy,” ani ng groom-to-be.

Imahe mula kay Atty. Marianito Dio, Jr. via Facebook

At naisip niya na ngayong buwan na ang tamang panahon lalo na at summer solstice at mayroong annular solar eclipse. Ang summer solstice ay ang “longest day of the year” habang tuwing annular solar eclipse naman ay tinatakpan ng buwan ang araw nang bahagya.

Pag-amin ng propesor, wala siyang back up plan kung sakaling hindi maging maganda ang panahon. “Umasa na lang ako na hindi maulap nun kahit weather forecasts say 66% cloud cover nung oras na ‘yun.”

Mabuti na lamang at nakisama ang panahon pagdating ng araw ng kaniyang pagpo-propose, at sa sandaling iyon ay tumaklob din ang buwan sa gitna ng araw at naghugis singsing ang liwanag mula sa kalangitan.

Imahe mula kay Atty. Marianito Dio, Jr. via Facebook

Pagbabahagi pa ni Atty. Marianito, siya rin mismo ang gumawa ng engagement ring na ibinigay niya sa kasintahan. Ang singsing ay gawa lamang sa kahoy na pinag-aralan ng propesor kung paano gawin habang naka-lockdown.

“Inukitan ko rin ng Baybayin ng salitang ‘pag-ibig’ para mas espesyal,” pagbabahagi pa ng propesor. Tunay namang super special ang engagement ring na ito.

Paano niya ito ginawa? Makikita ito sa video na kanyang ibinahagi sa YouTube:


Loading...
Source :

Facebook, YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: