Plantita: DIY plant pots na gawa ng isang make up artist, kinaaaliwan online

  • Nawalan ng trabaho ang isang make up artist nang magkaroon ng community quarantine
  • Kaya upang maibaling sa ibang bagay ang kaniyang creativity, gumawa ang make up artist ng sarili niyang mga halamang paso
  • Ang mga makukulay na paso na ito na gawa sa recycled materials ay kinaaaliwan online

Maraming Pinoy ang nawalan ng trabaho nang mag-umpisa ang community quarantine sa bansa at napilitan ang marami sa atin na manatili sa loob ng pamamahay dahil sa pangamba ng COVID-19.

Imahe mula kay Maria Felisadae Lorenzo-Roman via Facebook

Dahil sa nangyaring ito, marami ang nag-isip ng mga alternatibong paraan upang mabaling ang atensyon sa ibang bagay tulad ng pagkakaroon ng bagong hobby. Ngunit para sa make up artist na si Maria Felisadae Lorenzo-Roman, kailangan niya ng bagong pagkakaabalahan para mailabas ang kaniyang pagiging malikhain.

Naapektuhan ang trabaho ni Maria Felisadae bilang make up artist nang magkaroon ng lockdown. Kaya naghanap umano siya ng ibang paraan upang maipamalas ang kaniyang creativity.

“I felt like I need to divert my focus and release my creativity somewhere else,” ani Maria Felisadae. At pumukaw nga ng kaniyang pansin ang nakita niya online tungkol sa paggawa ng mga do-it-yourself pots o mga paso.

Imahe mula kay Maria Felisadae Lorenzo-Roman via Bayan Mo, Ipatrol Mo Facebook

“Kaya for this quarantine I was able to finally pursue my dream of becoming a ‘plantita,’” biro ng make up artist na nakagawa ng mga makukulay at nakatutuwang halamang paso na maaaring isabit.

Gamit lamang ang mga recycled materials tulad ng plastic containers, gumawa si Maria Felisadae ng mga paso na may nakaimprentang mga mukha.

Imahe mula kay Maria Felisadae Lorenzo-Roman via Facebook

“Instead of buying new ones, I decided to use our old bleach and cooking oil containers as pots for my plants,” kuwento ng make up artist. Ang mga hugis-mukhang paso ay mayroon ding accessories tulad ng turban. Gumamit siya ng tape para sa kilay at eyelashes ng mga mukha sa paso.

Ayon kay Maria Felisadae, inaabot umano siya ng hanggang tatlong oras sa paggawa ng isang paso.

Ikaw, baka nais mo ring subukan ang do-it-yourself na mga paso? Release your creativity!


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: