‘Pinoy na Pinoy’: Netizens natakam sa birthday cake na gawa sa lumpia at pansit

  • Naaliw at natakam ang maraming social media users sa isang birthday cake na gawa sa lumpia at pansit
  • Sa Facebook group na ‎Filipino Cooking Group, ibinahagi ni MaryJane Quiniones ang kakaibang cake na pinagsaluhan ng kanyang pamilya para sa kaarawan ng kanyang kapatid
  • Nagustuhan ito ng ibang miyembro ng grupo; may mga nagsabi na gagawa rin sila ng katulad nito

Halos hindi nawawala sa mga selebrasyon ng pamilyang Pilipino ang mga pagkaing paborito ng mga Pinoy na lumpia at pansit. At dahil kabilang ito sa mga maituturing na “all-time favorite” sa tuwing may handaan, naisipan ng isang pamilya na gumawa ng birthday cake na ang mga pagkaing ito ang pangunahing sangkap.

Image captured from Facebook

Sa Facebook group na ‎Filipino Cooking Group, ibinahagi ni Mary Jane Quiniones ang kakaibang cake na pinagsaluhan ng kanyang pamilya para sa kaarawan ng kanyang kapatid na hindi raw mahilig sa matatamis na pagkain.

“My family’s version of the Filipino cake for my brother’s birthday,” saad ni Mary Jane sa caption ng litratong kanyang ini-upload.

Pagbabahagi niya pa sa comments section ng post, “My brother wasn’t into desserts/cakes so this was the perfect cake for him…. It was yummy! It was a combination of all my favorite Filipino food.”

Naaliw at natakam ang maraming netizens sa kakaibang cake na ito, at nakakuha ng libo-libong reactions at shares sa social media. Ayon sa ibang miyembro ng grupo, gagawa rin sila ng katulad nito at ihahanda sa mga espesyal na okasyon.

Ngunit paano nga ba ito ginawa ni Mary Jane? Paano nabuo bilang isang magandang cake ang lumpia at pancit nang hindi ito nasisira at nawawala sa porma?

Tugon niya sa mga nagtatanong, “I used a cake pan. Put rice at the buttom of the pan, Lumpia around the outside of the pan(not inside). Put a ribbon to hold the lumpia in place then the pancit.”

Samantala, may nagbigay din ng suhestiyon na sa halip na lumpia, maaari rin gawing alternatibo ang turon, na isa rin sa mga paboritong pagkain ng mga Pinoy.

Image captured from Facebook

Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: