Paradise in the time of COVID: Boracay bukas na para sa mga taga-Western Visayas

  • Sa video na inilabas ng QUARANTOURS: A Biyahe ni Drew Online series, ipinakita ang bagong kalagayan ng magiging turismo ng Boracay sa ilalim ng new normal
  • Ngayon ay mga biyahero muna mula sa Western Visayas ang pinapayagang makapunta sa isla
  • Marami na rin ang nagbago sa isla na itinampok sa nasabing video

Tiyak na maraming Pinoy ang kating-kati nang lumabas at mamasyal sa mga tourist destination dito sa bansa lalo na at karamihan ng lugar ay nasa ilalim na ng General Community Quarantine (GCQ).

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via Facebook

Kamakailan, may magandang balita ang programang QUARANTOURS: A Biyahe ni Drew Online series nang itampok nila ang bagong maihahandog sa turista ng island paradise na Boracay.

Nang ilagay sa Modified GCQ ang Aklan noong June 1, pinayagan na rin ang mga taga-Boracay na lumangoy sa mala-crystal na beach. Ngunit may ilang bahagi dito na hindi puwedeng paglanguyan.

Samantalang nitong June 16 ay pinayagan nang muling buksan ang isla ng Boracay sa mga turista. Ngunit ang mga tinatanggap muna ngayon ay iyong mga taga-Western Visayas.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via Facebook

Sa mahigit 10 minutong video, ipinakita ang turismo ng isla sa ilalim ng new normal. Ito ang mga aasahan ng mga biyahero sa susunod na pagpunta nila sa Boracay.

Noong nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine ang isla ay naging simple lamang ang buhay ng mga naroon. At dahil na rin bawas sa polusyon at kalat, mas lalong gumanda ang isla ng Boracay.

Maninibago umano ang mga turista sa bagong hitsura ng Boracay na sumailalim sa mahigit apat na buwang lockdown. Sa new normal ng isla ay kinakailangang magsuot palagi ng face mask o PPE, pagsunod sa social at pysical distancing, pag-check ng body temperature, at palagiang pagsa-sanitize ng kamay.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via Facebook

Take-out at delivery lang ang tinatanggap ng ilang kainan. Upang magkaroon ng certification to operate for dine-in, kailangan muna nilang mag-apply at sumailalim sa masusing inspection ng composite team.

Sa ngayon, anim pa lamang na hotel sa isla ang may accreditation mula sa Department of Tourism para magbukas sa ilalim ng new normal.

Tantiya ng Department of Tourism, nasa 11.3 billion pesos ang nawala sa kita ng probinsya ng Aklan dahil sa lockdown.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: