Pagbebenta at pagbili ng hayop online, ipinagbabawal sa Facebook

  • Ayon sa inilabas na anunsyo ng Philippine Animal Welfare Society o PAWS, pinaalalahanan nila ang publiko tungkol sa pagbebenta ng mga hayop sa Facebook
  • Ayon sa PAWS, ipinagbabawal sa FB ang anumang uri ng pagbebenta ng hayop maski ng mga alagang hayop sa Facebook
  • Ang sino mang makakita ng pagbebenta o kahit na anong ilegal na gawaing sangkot ang mga hayop ay maaaring i-report sa Facebook

Simula nang ipatupad ang community quarantine ay naging talamak na sa social media ang pagbebenta ng iba’t ibang bagay online. Ito ang naging daan ng ilang Pinoy upang kumita pa rin ng pera sa gitna ng lockdown. Habang marami ring Pinoy ang tumatangkilik ng produkto online lalo na ng mga pagkain.

Imahe mula Freeopik

Ngunit hindi lamang ang mga produkto tulad ng gamit at pagkain ang ibinebenta online, kundi marami rin dito ang nagbebenta at bumibili ng mga hayop na karaniwang mga alagang pusa at aso. Mayroon pa ngang Facebook group o page kung saan ay talamak ang bentahan ng mga hayop.

Ngunit pinaalalahanan ng Philippine Animal Welfare Society (PAWS) ang publiko na ipinagbabawal ang anumang uri ng bentahan ng mga hayop sa Facebook, ang pagbebenta at pagbili ay hindi umano awtorisado ng social networking site at maaaring makatanggap ng karampatang parusa.

Imahe mula PAWS

Ayon sa PAWS, tumaas ang porsyento ng mga nagbebenta ng hayop online nang ipatupad ang lockdown.

While the lockdown situation has given rise to online support for legitimate non-profits, unscrupulous animal sellers have also increased in number on Facebook.”

“And this is NOT allowed. Selling or bartering of pets are considered unauthorized sales on Facebook,” dagdag pa ng PAWS. Hinikayat din nila ang publiko na i-report ang kahit anong makitang ilegal na aktibidad online na sangkot ang anumang hayop.

Ayon pa sa PAWS, puwedeng i-report sa Facebook o ‘di kaya ay sa Department of Natural Resources (DENR) kung mayroon mang makitang post na nagbebenta ng hayop at kung sino man ang tatangkilik dito.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: