Office of the Vice President, nagsimula nang tumanggap ng mga secondhand gadgets para sa Distance Learning

  • Nagsimula na ang pagtanggap ng Office of the Vice President ng mga donasyon na secondhand gadgets bilang paghahanda para sa Distance Learning  
  • Ang programang ito ay inilunsad ng Angat Buhay at Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership
  • Ang mga makukuhang gadgets at equipment ay ibibigay sa mga estudyante, guro, at mga magulang na hindi kayang makabili ng mga ito

Kamakailan ay inilunsad ng Office of the Vice President (OVP) at ng programang #AngatBuhay, sa pakikipag-ugnayan ng Kaya Natin! Movement for Good Governance and Ethical Leadership, ang donation drive na “Bayanihan para sa Distance Learning.”

Imahe mula sa VP Leni Robredo Facebook page

Adhikain ng donation drive na ito na makalikom ng mga secondhand gadgets at equipment na kalaunan ay ibibigay sa mga estudyante, guro, at mga magulang para sa paparating na Distance Learning.

Ayon kay VP Leni, basta’t gumagana pa at mayroong basic programs sa gadget, device, at equipment na ido-donate ay tatanggapin nila.

VP Leni nanawagan ng tulong para sa pagbuo ng mga kagamitang panturo sa online class

Imahe mula sa VP Leni Robredo Facebook page

Ilang araw lang pagkatapos ilunsad ang donation drive ay umarangkada na rin ito at sinuportahan ng mga Pinoy na nais tumulong para sa panawagan ng extra gadgets at equipment sa isasagawang Distance at Blended Learning ng Department of Education.

“Nakatanggap na tayo ng mga kagamitan tulad ng desktop computer, laptop, smartphone, tablet, TV, printer, powerbank, at pocket WiFi,” ani sa Facebook post ng OVP. Patuloy pa rin ang pagtanggap ng opisina ng mga nais i-donate na gadget.

Ang mga natanggap sa donation drive ay ibibigay sa mga naghihikahos na estudyante at kanilang mga magulang na hindi kayang makabili ng mga gadget para sa darating na new normal ng edukasyon sa bansa.

Imahe mula sa VP Leni Robredo Facebook page

Ang ibang gadget naman ay ibibigay din sa mga guro upang mas mapalawak pa ang kanilang kaalaman sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya.

Robredo asks donations for old  but functioning gadgets to help underprivileged students, teachers, for online learning 

Bukod sa gadgets, tumatanggap din ang programang ito ng iba pang equipment na maaaring magamit ng mga guro at paaralan para sa iba’t ibang paraan ng pagtuturo.

Para sa iba pang detalye, gaya ng listahan ng mga kagamitang maaaring i-donate, magtungo lamang sa post na ito: VP Leni Robredo.

Katulad nga ng paulit-ulit na pinapaalala ni VP Leni, mahalaga sa gitna ng pandemya na ito ang bayanihan ng mga Pinoy para sa mas magandang kinabukasan ng lahat.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: