Netizen inubos ang paninda ng mga batang vendor upang makauwi na ang mga ito

  • Sa isa ngayong viral Facebook video, ibinahagi ng isang netizen ang magandang gawain na kaniyang inilaan sa batang tindera
  • Lahat ng panindang pagkain ng nasabing batang tindera ay pinakyaw ng netizen
  • Bukod sa pagbabayad ng mga pinakyaw na pagkain, binigyan din ng netizen ang batang tindera ng P500

Naaalala mo pa ba ang huling good deed na iyong nagawa sa iyong kapuwa? Ano ito? Ano ang iyong nararamdaman sa tuwing nakagagawa ka ng maganda sa ibang taong kapus-palad?

Imahe kuha mula sa video ng Sabrinacio Footwear – main via Facebook

Sa Facebook, viral ngayon ang video na nagpapakita ng isang netizen na gumawa ng simple ngunit mabuting bagay para sa isang batang tindera na kanilang nakita sa Sariaya, Quezon Province.

Sa video na may haba lamang na mahigit apat na minuto, makikitang bumili ang uploader ng video ng tinitindang meryenda ng bata tulad ng lumpia at pansit.

Sa unang parte ng video ay tinanong ng uploader ang pangalan ng dalawang nagtitinda; isang batang lalaki at babae . Ngunit ang batang si “Shiela” ang umasikaso sa mga binili ng uploader.

Imahe kuha mula sa video ng Sabrinacio Footwear – main via Facebook

Kuwento ng batang tindera, sa gitna ng community quarantine ay nagtitinda sila upang mayroong pagkakitaan. Tinanong naman ng uploader kung ano ang kanilang gagawin kapag naubos na ang kanilang paninda na sinagot naman ni Shiela na makauuwi na umano sila.

Kaya naman walang pag-aalinlangan na binili na lahat ng uploader ang paninda ng mga bata upang makauwi na ang mga ito. Hindi naman matatawaran ang ngiti sa mukha ni Shiela nang malaman na mabibili na ang lahat ng kanilang paninda at makauuwi na sila sa kanilang tahanan.

Nang ibigay ng uploader ang bayad na P500 para sa lahat ng binili, sinabi niya kay Shiela na huwag na siyang suklian at itago na lang nito ang sobrang bayad.

Imahe kuha mula sa video ng Sabrinacio Footwear – main via Facebook

Ngunit hindi pa rito tumigil ang uploader sa pagbibigay ng surpresa sa mga batang tindera, dahil bukod sa ibinigay na P500 ay binayaran pa rin niya ang lahat ng nakuhang pagkain na nagkakahalagang P190.

Kitang-kita sa video ang gulat at saya sa mukha ni Shiela at ng kaniyang kasama sa pagtitinda dahil sa natanggap na blessings mula sa isang estranghero.

“Ang liit na halaga lang yon para sa nakakarame pero sa mukha niya parang million ang naibigay naten. Dun pa lang ramdam mo at kita mo sa mukha niya kung gaano kahirap ang buhay sa kanila. Yung genuine smile ni ate nakakaiyak,” ang caption ng uploader ng video.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: