Netizen ikinuwento ang saya ng isang bagong LalaJeep driver matapos siyang makabiyaheng muli

  • Maagang regalo para sa “Fathers’ Day” ang natanggap ng bagong LalaJeep driver na si Mang Lauro
  • Ito’y matapos niyang magkaroon ng oportunidad na muling makabiyahe sa pamamagitan ng pagde-deliver 
  • Ikinuwento naman ng isang netizen ang magiliw na serbisyong natanggap n’ya mula sa driver

Batid nating mga Pinoy na marami sa ating mga kababayan ang nawalan ng trabaho dahil sa pag-iral ng COVID-19 pandemic. Bukod kasi sa kaakibat na pangamba sa ating kalusugan, lubos din nitong naapektuhan ang ekonomiya ng bansa.

Sa katunayan, kaliwa’t kanang “raket” o diskarte na nga ang ginagawa ng iba sa atin para makakuha ng pantustos sa pang araw-araw na gastusin. Kabilang na rito ang mga jeepney drivers na nawalan ng kita dahil sa ipinatupad na  enhanced community quarantine noong mga nakalipas na buwan.

Imahe mula sa Facebook | Chammy Pasumbal Jalique

Pero sa tulong ng isang bagong lunsad na inisyatibo ng isang delivery service app, maraming jeepney drivers ang maaaring magkaroon muli ng hanapbuhay. Ito ang tinatawag nilang “LalaJeep” kung saan ang mga kababayan nating tsuper ang maghahatid sa ating mga delivery at orders.

Isa sa mga panibagong “LalaJeep” driver sa Quezon City ay si Mang Lauro na nakilala sa social media dahil sa viral post ng netizen na hinatiran niya ng delivery. Kuwento pa nga ni Chammy Pasumbal Jalique, natuwa siya noong tumawag si Mang Lauro at magiliw na nagpakilala bilang kanyang “Laladriver”.

“Kitang-kita sa kanyang mga ngiti ang tuwa na makabyahe ulit sa pamamagitan ng pagdedeliver. Kahit nagkanda ligaw-ligaw s’ya dahil hindi pa raw s’ya sanay sa paggamit ng Waze ay masaya n’yang inihatid ang order ko. Mabuhay ka!” saad ni Chammy.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 116,000 reactions at 64,000 shares ang viral post ni Chammy. Umapaw rin ang bilang ng mga donasyong ibinigay ng iba pang netizens para kay Mang Lauro.

“I was trying to send him some donation pero nag-failed – for a good reason. Nag-exceed na yung limit, meaning madami nagsend sa kanya,” sabi ng isang Facebook user.

Imahe mula sa Facebook | Urban Essentials Ph

Bukod pa rito, may ilan ding negosyo na nagsimula nang gumamit ng “LalaJeep” para sa kanilang delivery services. Halimbawa ay ang Urban Essentials PH na nagbahagi rin sa Facebook ng madamdaming post tungkol sa kanilang “LalaJeep” driver.

“Our first Lala Jeep driver is manong. Naiiyak talaga ko. Kita ko sa mukha nya na excited na excited sya magtrabaho. Nakangiti sya simula ng binigay nya samin ang name ng customer na nagpapa pickup sa kanya, to when he called the customer to ask for the order number, hanggang sa pag tanggap nya ng pipickup-in nya,” kuwento ng Urban Essentials PH.

“I feel his gratitude na may trabaho siya ngayon, finally! After months of walang byahe, walang kita, walang mapakain sa pamilya.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: