Netizen ibinahagi na pinag-ipunan talaga ng yumaong ina ang pagre-review niya para sa college entrance tests

  • Viral ngayon sa Twitter ang heartwarming post ng isang netizen na nakapasa sa iba’t ibang scholarship at college entrance exams
  • Ito’y matapos niyang ikuwento kung paano pinag-ipunan ng kanyang ina ang kanyang pagre-review para makapasok sa kolehiyo
  • Lubos din namang nagpasalamat ang netizen sa lahat ng sumuporta at tumulong sa kanya para maabot ang pangarap na ito

Ang pagkakaroon ng mapagpalang magulang ay isa sa pinakamagandang biyaya ng Panginoon sa ating lahat. Sabi nga nila, walang makatatalo at makapapantay sa pagmamahal at aruga na ibinibigay ng isang magulang. Bilang ama o ina kasi, gagawin nila ang lahat upang magkaroon ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak.

Ganito ang pinatunayan ng isang netizen na nagkuwento sa social media kung paano siya sinuportahan at lubos na tinulungan ng kanyang pumanaw na ina para makapasok sa kolehiyo. Aniya, pinag-ipunan daw talaga ng kanyang ina ang gastusin para makapasok siya sa review center.

Imahe mula sa Twitter | @chrstphr_gn

“These two pictures of my mom were taken a month before she passed away. Pinag-ipunan niya talaga na mag-review center ako for CETs. When she was terminally ill, I remember crying every day before I went to review class,” sabi ni Christopher Eugenio sa isang Twitter post.

At matapos ngang lumabas ang resulta ng pagsusulit, hindi maipaliwanag ang saya ni Christopher nang malaman niyang pumasa siya sa iba’t ibang scholarship at college entrance exams. Sa katunayan, ibinahagi niya pa ang kanyang acceptance letter at scholarship award mula sa University of the Philippines, University of Santo Tomas, Saint Louis University, at DOST.

“I’m beyond blessed to have my friends, my mentors, my family, my mama above, and the Lord. Grabe how things turned out after a year of doubts and breakdowns. But hey, we did it! We really did it,” saad ni Christopher.

Bukod pa rito, bumuhos din ang suporta ng iba pang netizens kay Christopher matapos mag-viral ang kanyang Twitter post tungkol sa namaalam na ina.

“Congrats, Isko! Your mom must be so proud! Only better and brighter days ahead!” sabi ni @irsondoria. “You are lucky to have that kind of mother. Go! Don’t stop! Pursue it! God bless in your journey,” ani naman ni @hannahbananayt.

Imahe mula sa Twitter | @chrstphr_gn

Samantala, nag-iwan naman ng mensahe ang binata para sa kanyang ina kung saan sinabi niyang ang pagmamahal nito ang naging susi para magpatuloy siyang lumaban sa buhay.

“I can’t believe how I was already able to live 365.25 days without you, Ma. Wild how a lifetime’s worth of change happened to us in just a year. I’ve changed so much, but the love around remained—even grew—and was what kept me sane. Ma, I’ll chase my dreams for you and me,” pahayag ni Christopher.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: