Nanay tumanggap ng maraming labada para mabigyan ng simpleng handa ang anak sa kaarawan nito

  • Itinampok ang kuwento ng isang ina na naghahanap ng mga labada via online upang kumita ng pera
  • Ang kikitain ng ina ay gagamitin sana sa simpleng handaan para sa kaarawan ng kaniyang anak na hindi pa nakaranas ng birthday celebration
  • Maraming netizens naman ang naantig sa kuwento ng ina at pinadalhan sila ng mga relief goods para ipanghanda sa kaarawan

Ang mga nanay ang itinuturing na ilaw ng tahanan. Ngunit bukod sa mahalagang papel nila na ito sa kanilang pamilya, ang mga nanay din ang nagtataglay ng hindi matatawarang pagmamahal para sa kanilang mga anak.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Hanggang saan ang kayang tahakin ng isang ina para sa kaligayahan ng kaniyang anak? Para kay Jhona dela Cruz, walang pagod dahil sa labis na paglalaba ang makahahadlang sa kaniya para mabigyan simpleng handa ang kaniyang anak sa kaarawan nito.

Sa ulat ni Mav Gonzales sa programa ng GMA Network na “Saksi,” itinampok nila ang kuwento ni Jhona mula sa Iloilo at ang kaniyang paghahangad na makahanap ng mga malalabahan upang kumita ng pera na panggastos sa kaarawan ng kaniyang anak.

Nakigamit pa ng cellphone si Jhona upang mag-post sa isang Facebook group at ipaalam ang kaniyang pagtanggap ng mga labada o pamamalantsa para kumita ng sapat na pera para sa selebrasyon ng kaarawan ng anak.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Kakaiba ang inaalok na ito ni Jhona sa Facebook group kung saan malimit na nagbebenta ng mga pagkain o bagay. Kaya naman nakapukaw ito ng pansin ng mga netizens na naantig din sa kuwento ng kaniyang pamilya.

Ayon kay Jhona na mayroong tatlong anak, ang kaniyang anak na malapit nang sumapit ang kaarawan ay hindi pa umano nakararanas ng birthday celebration simula nang ito’y binyagan.

Hindi rin umano sapat ang kinikita niya sa paglalaba at pamamalantsa pati na rin ang pagsasaka ng kaniyang asawa upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga anak.

Imahe kuha mula sa video ng GMA News via YouTube channel

Dahil maraming netizens ang naantig sa kuwento ni Jhona ay marami ang nagpadala ng mga relief goods na maaari nilang lutuin sa kaarawan ng kaniyang anak.

“Ngayon meron na kaming pang-salad, pang-spaghetti at meron na ring mga pang-ulam sa araw araw,” pagbabahagi ni Jhona na maaaninag na ang kasiyahan sa mukha.


Loading...
Source :

YouTube, GMA News

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: