Mga praktikal na dahilan kung bakit mas maganda umanong manirahan sa probinsya ngayon, viral sa social media

  • Usap-usapan ng netizens ang ilang praktikal na rason kung bakit mas maganda umanong manirahan sa probinsya ngayon
  • Sa viral Facebook post na ibinahagi ng “The Budget Mama”, inisa-isa ng page admin ang mga dahilan kung bakit napagdesisyunan nilang lumipat sa probinsya
  • Aniya, bukod kasi sa mas mapayapa at matipid na pamumuhay, mas magiging ligtas din daw ang kanyang pamilya sa probinsya lalo na ngayong patuloy na umiiral ang COVID-19 pandemic

Batid nating lahat na sadyang malaki talaga ang pagkakaiba ng pamumuhay sa siyudad kumpara sa pamumuhay sa probinsya. Pagdating kasi sa gastos, hindi hamak na mas malaki ang iyong matitipid kung ikaw ay nasa probinsya. Bukod pa rito, mas tahimik at payapa rin ang buhay doon kumpara sa siyudad kung saan kahit dis oras ng gabi ay maririnig mo pa rin ang kaliwa’t kanang busina ng mga sasakyan.

Imahe mula sa Facebook | The Budget Mama

Dahil dito, hindi tuloy maiwasang sumagi sa isip ng ilang Pinoy ang posibilidad na lumipat at permanenteng manirahan sa probinsya. Halimbawa na rito ang pamilya ng financial planner na si Grace Salvador na siya ring namamahala sa Facebook page na “The Budget Mama”.

Sa katunayan, ipinaliwanag ni Grace sa isang viral post ang mga dahilan kung bakit napagdesisyunan nilang lumipat sa probinsya. Aniya, bukod kasi sa mas mapayapa at matipid na pamumuhay, mas magiging ligtas din daw ang kanyang pamilya sa probinsya lalo na ngayong patuloy na umiiral ang COVID-19 pandemic.

“I have never imagined that our family would live in the province (rice fields ang likod bahay namin!) We were so used to the sophisticated city living but then BOOM! Covid happened,” kuwento ni Grace. “We were forced to reset. Replan. Live simpler lives. It was time for a change. So here we are, welcoming a new chapter in our lives.”

Dagdag pa niya, mas “healthy” umano ang pamumuhay sa probinsya at COVID-free rin daw sa lugar kung saan sila lumipat. Pabor rin daw ito sa kanilang mga anak lalo na’t maaari silang makaranas na maglaro sa labas ng bahay at maligo pa sa ulan.

Public Domain Image

Ilang netizens naman ang sumang-ayon din kay Grace at nagpahayag ng kani-kanilang karanasan tungkol sa paninirahan sa probinsya.

“Yeah it’s really great to live in province. Everything is fresh like air and foods. You can enjoy things freely. Not a high cost living because some of our needs are cheaper than in the city. Living here in province is so awesome,” sabi ni Cleofe Ramirez.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 18,000 reactions, 11,000 shares, at 6,100 comments ang post ng “The Budget Mama”.

Ikaw, anong masasabi mo tungkol dito? May balak ka rin bang lumipat at manirahan sa probinsya?


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: