Mga imahe ng santo, gabay ng mga pumupunta sa simbahan upang mapanatili ang social distancing

  • Kaniya-kaniyang diskarte ngayon ang mga Pinoy upang masunod at mapanatili ang social distancing sa ilalim ng new normal
  • Ang mga pampublikong lugar tulad ng simbahan ay kinakailangan ding magpatupad ng social distancing
  • Sa isang simbahan, ginamit ang mga imahe ng santo upang mapanatili ang social distancing ng mga deboto

Sa pagbubukas ng ilang pampublikong lugar, establisimyento, at mga kainan ay mahigpit na pinaaalalahanan ng gobyerno ang mga may-ari nito na sundin ang social distancing.

Imahe mula Philippine News Agency

Kaya naman kaniya-kaniyang diskarte ang ginagawa ng mga Pinoy na nagmamay-ari ng mga establisimyento upang mapanatili ang social distancing sa mga kapuwa Pinoy na pumupunta o pumapasok dito.

Ang ilang mga kilalang malls at restaurants ay nagpakita na ng new normal sa loob ng kanilang gusali. At hindi rin magpapahuli ang isang simbahan sa pagpapakilala ng kanilang social distancing sa ilalim ng new normal.

Dahil itinuturing din na “mass gathering” ang pagsisimba ay mahigpit ding ipatutupad ang social distancing sa loob ng mga simbahan.

Imahe mula sa Immaculate Conception Parish-Llanera via Facebook

Sa Facebook post ng GMA News, ibinahagi nila ang litrato mula sa isang simbahan sa Nueva Ecija na nagpapakita kung paano nila ipatutupad ang social distancing sa loob ng kanilang parokya.

Ang Immaculate Conception Parish-Llanera ay gumamit ng mga naka-frame na imahe ng mga santo at inilagay ang mga ito sa mga upuan sa loob ng kanilang simbahan upang pumagitan sa mga debotong pupunta sa simbahan.

Kabilang sa mga imahe na ito ng mga santo ay sina St. Pope John Paul II, St. Josefina Bakhita, St. Magdalene of Canossa. Halos kalahati lamang ng karaniwang kapasidad ng mga mga upuan ang maaaring makaupo.

Imahe mula sa Immaculate Conception Parish-Llanera via Facebook

Ayon sa parish priest ng simbahan na si  Fr. Louie Cañiza, inaasahan nila na nawa’y maging inspirasyon ng kanilang parishioners ang mga imahe upang magkaroon ng matiwasay na buhay tulad ng mga santo.

“Nawa’y makatulong ang mga larawan ng santo, na kanilang makakatabi sa simbahan, na tularan ang kanilang mga nagawa at naiambag sa simbahan at lipunan,” ani Fr. Louie.

Mensahe pa niya sa mga mananampalataya, “huwag nating kalilimutan na bagama’t makababalik na ang ilan sa mga magsisimba, ay hinihiling ko na isama natin sa panalangin ang mga kapatid nating hindi makadadalo dahil sa kanilang edad at estado. Sila din ay nangangailangan ng panalangin.”


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: