Mga dating idol sa showbiz, muling nasilayan sa “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga

  • Sa pagbabalik ng noontime show na Eat Bulaga sa GMA, marami ang nagbago dahil na rin sa pagsunod sa “new normal”
  • Isa sa pinakaaabangang segment ng programa ay ang “Bawal Judgmental,” dahil na rin sa nakaaaliw nitong mga itinatampok
  • Kamakailan, mga sikat na artista noong 1990s at 2000s na ilan taon na ring tumigil sa showbiz ang kanilang naging guests

Sa katatapos lang na episode ng “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga, tampok nila ang mga celebrity na sikat noong 1900’s at 2000’s na hindi na ngayon aktibo sa showbiz.

Imahe kuha mula sa video ng Eat Bulaga via YouTube

Kamakailan ay bumalik na sa live broadcast ang noontime show na Eat Bulaga. Ngunit dahil nasa General Community Quarantine (GCQ) pa rin ang Metro Manila, hindi pa pinapayagan ang pagkakaroon ng live audience,

Sa episode na ito ng “Bawal Judgmental,” si Miss Millennial Malabon na si Shiara Dizon ang celebrity judge. Ang mga guest naman na pagpipilian para sa mga tanong ay ang mga dating celebrity na sina Joshua Dioniso, Rainier Castillo, Chubi del Rosario, Rhea Nakpin, Jao Mapa, Jon Manual, at si Lindsay Custodio.

Imahe kuha mula sa video ng Eat Bulaga via YouTube

Sa pagsulong ng segment, nagkaroon ng pagkakataon ang mga celebrity guest na magbalik-tanaw at ikuwento ang kanilang naging karanasan sa showbiz.

Ibinahagi rin nila kung ano na ang kanilang buhay ngayon at karamihan sa kanila ay may asawa na at sariling pamilya.

Ang dating miyembro ng “GWAPINGS” na si Jao at dating ka-love team ni Barbie Forteza na si Joshua ay piniling iwan ang showbiz upang mag-aral.

Imahe kuha mula sa video ng Eat Bulaga via YouTube

Habang ang dati namang komedyante sa programang “Bubble Gang” na si Jon ay nasa religious ministry na ngayon katuwang ang kaniyang asawa.

Ang dating Starstuck Final Four naman na si Rainier Castillo ay sinabing nakaramdam ng “pagod” kaya siya ang nawala sa showbiz.

“May time na dumating na medyo nakakapagod na rin. ‘Yung halos hindi ko na nakakasama ‘yung family, lalo na kapag mga okasyon na Pasko,” ani Rainier.

Dahil sa programa, nalaman ng maraming sumusubaybay ang kuwento ng mga dating artista at ang kanilang dahilan sa pagkawala sa showbiz.

Iclick ang imahe para sa video:

Imahe kuha mula sa video ng Eat Bulaga via YouTube

Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: