Mga bagong litrato ng tinaguriang real-life “Darna” na si Angel Locsin, nag-trending sa social media

  • Nag-trending sa social media ang ilang bagong litrato ng Kapamilya actress at TV host na si Angel Locsin
  • Sa kabila kasi ng kapansin-pansing pagbabago sa figure ng kanyang katawan, patuloy pa ring naghahatid ng inspirasyon at “positivity” sa karamihan ang tinaguriang real-life “Darna”
  • Agad naman itong pinag-usapan online at umani ng samu’t saring saloobin mula sa fans at iba pang netizens

Confident and still beautiful — ilan lang ito sa mga naging komento ng fans at iba pang netizens matapos kumalat sa social media ang mga bagong litrato ng Kapamilya actress at TV host na si Angel Locsin. Makikita kasi roon ang kapansin-pansing pagbabago sa figure ni Angel na talagang ikinabigla ng karamihan.

Imahe mula sa Facebook | Kapamilya Online World

Kinunan din daw ang mga litrato sa Mauban, Quezon kung saan ginanap ang taping ng “Iba Yan!”, ang bagong show ng aktres sa Kapamilya Channel.

Ngunit kahit malaki ang nadagdag sa kanyang timbang, nanatiling “unbothered” ang tinaguariang real-life “Darna” at sa katunayan ay mas nagbigay pa nga siya ng inspirasyon at “positivity” para sa maraming Pinoy.

“Angel Locsin’s confidence on her new body made her more beautiful. Darna as always,” pahayag sa caption ng Facebook post mula sa Kapamilya Online World. “Angel Locsin is a living proof that weight doesn’t define beauty.”

Base rin sa kanyang awra, tila nananatiling blooming si Angel, masaya, at kuntento sa buhay n’ya ngayon.

Ikinatuwa naman ito ng ilang fans na nagpahayag ng kani-kanilang komento at saloobin tungkol sa bagong “curvy figure” ng aktres.

Imahe mula sa Facebook | Kapamilya Online World

Angel Locsin gained some weight and she still looks so heavenly. Living proof out there that beauty is never in the pounds or kilograms that you lose or gain. It’s in the heart. She looks so confident, happy, and in love! My forever Darna,” sabi ng Twitter user na si @alcoranleynard.

“Nowadays, it is undeniable that people judge because of someone’s physical body. C’mon! Ms. Angel Locsin is more than what you see outside. She lives purposefully. She goes out to help people in pain. She’s more attractive because of that. I stan the real angel!” pahayag naman ni @yonaharake.

Tunay nga, isa siyang real-life superhero na magandang ehemplo sa mga kabataan. Puwede mo nga ring sabihin na parang mas tumindi pa ang kanyang “powers” dahil sa ipinakita n’yang malasakit at pagtulong sa kapwa lalo na noong kasagsagan ng enhanced community quarantine. Maraming salamat at mabuhay ka, Angel!

Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: