McRice Burger: Natatandaan mo pa ba ang naiibang rice meal ng McDonald’s noong 2006?

  • Ipinakilala ng fast food restaurant na McDonald’s ang isang naiibang rice meal noong 2006
  • Ang McRice Burger ay isang klase ng rice meal na ginawang kawangis ng burger na madaling kainin saan man, kailan man
  • Para sa mga nagmamadali ngunit kailangang may laman ang tiyan, pinalitan ng toasted fragrant white rice ang buns at pinalamanan ito ng chicken o ng beef patty at sinahugan ng mga gulay

Sa kagustuhang sabayan ang unti-unting pagbilis ng ikot ng mundo dahil sa pagiging moderno ng panahon, ipinakilala ng fast food restaurant na McDonald’s ang isang naiibang rice meal noong 2006 — ang McRice Burger.

Image captured from McDonald’s commercial

Ang McRice Burger — na mayroong dalawang variants na kung tawagin ay Beef Supreme at Chicken Supreme — ay isang klase ng rice meal na ginawang kawangis ng burger at idinisenyo para maging isang klase ng pagkain na madaling kainin saan man, kailanman. Para sa mga laging abala at nagmamadali ngunit kailangang may laman ang tiyan para hindi manghina at magkaroon ng sapat na lakas, pinalitan ng toasted fragrant white rice ang buns at pinalamanan ito ng chicken o ng beef patty at sinahugan ng mga gulay.

Sa pamamagitan umano nito, maaari nang kumain ng kanin ang mga customer nang hindi nangangailangan ng plato, tinidor, at kurtsara. Madali lamang itong makakain sa biyahe, o maging sa gitna ng paglalakad papasok ng opisina o saan man sila mayroong importanteng pakay.

“In the blink of an eye, it’s 2-0-0-6, where everything is faster; the train, the mail, phone calls. What else? Speed dialing, speed dating, speedy delivery, speedy internet. These days, the faster, the better: quick meeting, quick nap, quick break, quick lunch. Quick lunch? Who’s got time for lunch? Good question. So these guys, making eating rice–nope, not faster–easier. Chicken, mayo, veggies, rice,” saad ng lalaki sa commercial nito.

“The new McDonald’s McRice Burger, modern rice for modern times,” pagpapatuloy niya.

Image captured from McDonald’s commercial

Gayunman, bagama’t may mga tumangkilik ay mas marami ang nagsabing hindi pa rin nito matutumbasan ang regular rice meal na mabibili sa nasabing fast food restaurant. Sa huli ay pinili na lamang nito na tuluyan na itong alisin sa menu.

Memory lane! Balikan ang naiibang rice meal ng McDonald’s na McRice Burger:


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: