Mayor Vico Sotto nagtanggal ng anim na traffic enforcer na sangkot sa pangongotong

  • Sa kaniyang official Twitter account, sinabi ni Pasig City Mayor Vico Sotto na mayroon siyang mga tinanggal sa posisyon na traffic enforcers
  • Ang anim na traffic enforcers na ito ay sangkot sa kotong o pangingikil
  • Ayon kay Mayor Vico, masakit man magtanggal ng mga tauhan ay hindi niya hahayaang magpatuloy ang mga ganitong gawain

Isa na marahil sa pinakamahirap gawin bilang pinuno o namamahala ay ang magtanggal ng mga tauhan sa nasasakupan. Ngunit ano-ano nga ba ang mga dahilan kung bakit nagtatanggal ng mga taong nagta-trabaho sa ilalim ng iyong pamumuno?

Imahe mula kay Vico Sotto via Facebook

Para kay Pasig City Mayor Vico Sotto, masakit man sa kaniyang kalooban ay kinakailangan niyang tanggalin ang mga traffic enforcers na sangkot sa ilegal na gawain.

Sa official Twitter account ng Pasig City mayor, sinabi niyang kakapirma lamang niya ng dismissal order ng anim na officers ng Traffic and Parking Management Office (TPMO) dahil sa kotong o hindi awtorisadong pangunguha o pagtanggap ng pera mula sa mga motoristang nahuhuli sa daan.

“Masakit gawin pero kung pagbibigyan nang pagbibigyan, walang mangyayari sa atin,” ang nakasaad sa tweet ni Mayor Sotto.

Imahe mula kay Vico Sotto via Twitter

Ang mga traffic enforcers na ito na kilala rin sa tawag na “Blue Boys” ay pinaniniwalaang nangingikil na ng mga motorista wala pa man sa posisyon bilang mayor si Vico.

Kaya naman noong nakaraang eleksyon, isa sa mga plataporma ni Vico ay ang pagtanggal ng mga tiwali sa lokal na pamahalaan ng Pasig.

“Malapit na ang araw na pag sinabing ‘Blue Boys,’ hindi na sasabihin, ‘ay korap ‘yan nag-aabang ng huli, mangongotong pa!'” ani Vico sa isa pang tweet.

Imahe mula kay Vico Sotto via Twitter

“Sa halip, ‘Blue Boys, mahusay sa trabaho, tapat at marangal,’” dagdag pa ng itinuturing na “millennial mayor.”

Matatandaan na noong nakaraang taon, sinabihan ni Mayor Vico ang mga traffic enforcer na huwag matakot na makatanggap ng “calling cards” mula sa mga mayayaman o matataas ang posisyong motorista na mahuhuli nilang lumalabag sa batas ng daan.


Loading...
Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: