Mayor Vico Sotto dumalaw sa quarantine facility: Dito mas maaalagaan ang pasyente

  • Tuloy-tuloy ang paglilingkod ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa kaniyang mga nasasakupan sa gitna ng COVID-19 pandemic
  • Bukod sa pagpapatupad ng mga hakbang upang mapabuti ang buhay ng mga residente ng Pasig ngayong krisis, personal ding sinisiguro ni Vico ang kalagayan ng mga residente
  • Kamakailan, dumalaw si Mayor Vico sa isang quarantine facility upang alamin ang kuwento ng mga Pinoy na naroon

Halos isang taon pagkatapos maupo sa kaniyang posisyon ang tinaguriang “youngest mayor in Metro Manila” na si Pasig City Mayor Vico Sotto, mas lalong dumami ang kaniyang mga tagahanga.

Imahe mula kay Vico Sotto via Instagram

Tagahanga hindi lamang dahil sa kaniyang hitsura kundi sa dami na rin ng kaniyang mabubuting naiambag sa lipunan. Biro nga ng iba, nais na nilang lumipat sa Lungsod ng Pasig dahil sa sipag at tyaga ng kanilang pinuno na si Vico.

Mas lalong nakita ang malasakit at determinasyon na mapaglingkuran ang nasasakupan ni Mayor Vico nang magkaroon ng COVID-19 pandemic dito sa bansa sa umpisa pa lang ng taon.

Isa si Mayor Vico sa walang sawang tumulong sa mga kababayan upang masiguro ang kanilang kaligtasan mula sa virus at pati na rin sa kahirapan. ‘Ika nga ng iba, masyado umano niyang “ginagalingan” na napag-iiwanan na ang ibang namumuno sa bansa.

Imahe mula kay Vico Sotto via Instagram

Mula Marso hanggang ngayong buwan na unti-unting nagbago ang bansa dahil sa nangyaring lockdown, hindi tumigil ang lokal na pamahalaan ni Mayor Vico upang magpatupad ng mga aksyon upang tulungan ang mga residente ng Pasig.

Gamit ang kaniyang opisyal na Facebook account, ibinabahagi rito ni Mayor Vico ang mga proyekto nila na isinusulong upang mapabuti ang kalagayan ng mga kababayan sa gitna ng krisis. Bukod rito, personal din niyang sinisiguro na naipatutupad ang mga ito.

Kamakailan, ibinahagi sa Facebook page ni Mayor Vico ang kaniyang pagbisita sa Centralized Quarantine Facility sa Pasig upang personal na makita at malaman ang kalagayan ng mga residenteng naging positibo sa coronavirus.

Imahe mula kay Vico Sotto via Facebook

“Dito, mas maaalagaan ang pasyente. May kama, pagkain, shower, wi-fi, atbp. Mas mahalaga pa rito, sigurado pa tayong sumusunod sila sa quarantine at hindi lumalabas ng bahay,” ani Mayor Vico sa kaniyang post.

Dagdag pa niya: “Prayoridad natin dito ang mga positive pero mild o walang sintomas, at walang lugar para makapag quarantine nang tama.” Marami naman ang mas lalong humanga sa tinaguriang “millennial mayor.”


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: