Mahigit sampung katao sa South Cotabato nasa 100 taon na ang edad, ano ang kanilang sikreto?

  • Sa isang lugar sa South Cotabato na nananatiling COVID-19 free, isang tribo ang mayroong sampung residente na nasa higit 100 na ang edad
  • Ayon sa mga sentenaryo na ito, mayroon silang sikreto na nagpapanatili ng haba ng kanilang buhay
  • Isang sagradong bato, halamang gamot, water tree, at banal na puno ang sinasabing sikreto ng mga residente sa kanilang mahabang buhay

Itinampok sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho ang isang Indigenous community na matatagpuan sa South Cotabato. Ang Polomolok na nasa paanan lamang ng Mt. Matutum sa probinsya ay nananatili pa ring COVID-19 free sa gitna ng pandemya na kinahaharap ng bansa.

Imahe mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho via Facebook

Bukod pa rito, ang mga residente rin ng Indigenous tribe na Blaan ay may mahigit sampung katao na nasa edad 100 pataas na ngunit aktibong-aktibo pa rin sa kanilang komunidad. Ayon sa mga sentenaryo na ito, mayroon umano silang sikreto para sa mahabang buhay.

Ang pangunahing pamumuhay ng Blaan ay sa pamamagitan ng pagtatanim at pangangaso. At ito rin ang araw-araw na ginagawa ng mga sentenaryo na animo’y walang iniindang katandaan.

Ang pinakamatandang residente ng tribo ay si Yabing Masalon Dulo, ipinanganak noong 1914 at may edad na ngayong 105. Ngunit aktibo pa rin si Yabing sa paggawa ng tradisyonal na habi ng Blaan na gawa sa abaca na kung tawagin ay Ikat.

Imahe kuha mula sa video ng GMA Public Affairs via YouTube Channel

Ang sikreto umano ng mga sentenaryo ng Blaan ay mula sa isang sagradong bato, halamang gamot, at banal na puno na makikita sa kanilang komunidad.

Ang sagradong bato na tinawag na “Bato Peak” ay dinadasalan at ginagawan umano ng ritwal ng mga residente. Mayroon itong apat na batong  nagdadala ng iba’t ibang biyaya. Ang unang bato ay naghahatid ng masaganang buhay, ang ikalawa naman ay tagumpay, ang ikatlo ay pagpapatawad, at ang pang-apat ay mabuting kalusugan.

Imahe mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho via Facebook

Bukod sa bato, mayroon ding halamang gamot na tinatawag na “Foyas” na nagpapagaling umano ng iba’t ibang karamdaman. Pinaniniwalaan din ng mga residente na ang pagsisiga ng dahon nito ay pantaboy nila sa COVID-19.

Mayroon din silang water tree na iniinom ng mga residente bilang pampalakas ng kanilang resistensya. At punong banal na tinatawag nilang “Damay,” isang anti-fever tree.

Ngunit ang tunay na sikreto umano ng mahabang buhay ng mga Blaan ay nasa paraan nila ng kanilang lifestyle o pamumuhay. Bihira lang sila kumain ng karne, araw-araw silang naglalakad, at mayroon din silang pananalig sa Maykapal.

Panoorin ang ibinahaging video ng KMJS at mamangha sa kanila:


Loading...
Source :

Facebook, YouTube

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: