Magkasintahang Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, mayroong 11 na alagang pusa

  • Sa isa niyang vlog, itinampok ng Kapuso aktres na si Jennylyn Mercado ang alaga nilang mga pusa ng kasintahan na si Dennis Trillo
  • Ang magkasintahan ay mayroong 11 na pusang inaalagaan, at ang mga ito ay may iba’t ibang breed
  • Bawat pusa ay may kaniya-kaniya ring ugali na minamahal ng kanilang mga amo

Sa kaniyang ika-32 na kaarawan noong Mayo ng nakaraang taon, inumpisahan ng Kapuso actress na si Jennylyn Mercado ang kaniyang YouTube channel upang gumawa ng mga vlog tampok ang iba’t ibang bagay sa kaniyang buhay.

Imahe kuha mula sa video ni Jennylyn Mercado via YouTube channel

Mas nakilala ng kaniyang mga tagahanga at mga Pinoy si Jennylyn dahil sa kaniyang mga vlog. Ngunit kamakailan, agaw-pansin ang vlog niya tungkol sa mga alagang pusa nila ng kaniyang kasintahan na si Dennis Trillo.

Hindi lang kasi isa kundi 11 na iba’t ibang breed ng pusa ang alaga ng celebrity couple. Ang mga alaga nila at breed ng mga ito ay sina Clay at Gray (Scottish Fold); Amy, Nate, at Bruce (Scottish Straight) at Sage (Siberian). Nariyan din sina Bisping (British Shorthair), Dana (Highland Fold), Yair (Oriental Shorthair), Jones (Korean Bobtail) at Dustin (Ragdoll).

Imahe kuha mula sa video ni Jennylyn Mercado via YouTube channel

Ayon sa aktres, hindi madali ang mag-alaga ng ganitong karaming pusa, ngunit kakaibang saya naman ang nararamdaman ng magkasintahan dahil sa kanilang mga alagang pusa.

“Hindi biro mag-maintain ng ganito karaming alagang pusa, matrabaho at magastos, pero worth it. Ibang saya naman ang ibinibigay ng bawat isa sa kanila,” ani Jennylyn sa kaniyang panayam sa 24 Oras.

Tampok din sa vlog ni Jennylyn ang iba’t ibang ugali ng kaniyang mga pusa kaya mas minamahal niya ang mga ito. Mayroon mahilig manood ng TV, may pinakamataba, pinakamabait, masahista, mahilig makipagkuwentuham, at iba pa.

Imahe mula kay Jennylyn Mercado via Instagram

Kinahiligan ng celebrity couple ang mga pusa dahil kakaibang “energy” umano ang naidudulot ng mga ito. Kalmado lang din umano ang mga pusa kumpara sa ibang alagang hayop kaya marami ang nahuhulog ang loob sa kanila.

Kaya naman kamakailan bago pa mag-lockdown ay nakapagbukas pa ng cat cafe sina Jennylyn at Dennis sa Quezon City. At s’yempre, bida sa cat cafe na ito ang mga alaga nilang pusa! A-MEOW-zing, ‘di ba?

Panoorin ang vlog ni Jennylyn tungkol dito:


Loading...
Source :

YouTube, GMA News

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: