Mag-asawang guro nagsusumikap sa pangangasiwa ng remote enrollment habang nag-aalaga ng kanilang anak

  • Itinampok ang kuwento ng mag-asawang guro na patuloy pa rin sa mga tungkulin sa paaralan kahit nasa loob lang ng bahay
  • Abala ang mag-asawang guro na ito sa pangangasiwa ng remote enrollment kasabay ng pag-aalaga sa kanilang anak
  • Nakikipag-usap at nakikipag-ugnayan din sila online sa mga magulang hinggil sa new normal ng edukasyon

Ngayong Hunyo na sana ang umpisa ng pasukan ng mga mag-aaral sa school year 2020-2021, ngunit dahil sa pangambang hatid ng COVID-19 pandemic, suspendido muna ang pasukan sa eskuwela.

Imahe mula DepEd Philippines via Facebook

Hindi man tuloy ang pasukan, ipinagpatuloy naman ng Department of Education (DepEd) ang proseso ng enrollment para sa mga estudyante at mga magulang na nais mag-enroll ngayong taon.

Ang kaibahan nga lang ngayon sa umpisa ng pagkakaroon ng new normal sa edukasyon ay ang tinatawag na “remote enrollment.”

Ayon kay Department of Education (DepEd) Undersecretary Annalyn Sevilla , “Ang unang gusto po natin mangyari ay remote ang mangyayaring enrollment. Ibig sabihin ‘yung mga estudyante po natin na Grade 1 to Grade 12, sila po’y kokontakin ng kanilang mga advisers, ‘yung previous advisers nila.”

Samantala, may ilang guro naman ang isinasagawa na lamang ang remote enrollment online. Katulad na lamang ng itinampok na mag-asawang guro sa Facebook page ng Department of Education na umani ng papuri sa mga kapuwa nila guro at netizen dahil sa kanilang sipag at determinasyon.

Imahe mula DepEd Philippines via Facebook

Ayon sa FB post, abala ang mag-asawang sina Teacher Rafael at Teacher Shiela Mae A. Simeon mula Ilocos Norte sa pangangasiwa ng remote enrollment at walang-tigil na pakikipag-ugnayan sa mga magulang hinggil sa new normal ng edukasyon.

Ani ng mag-asawa, kahit umano naka-work from home ay kinakailangan nilang maging produktibo para sa darating na pasukan. Matiyaga rin silang nakikipag-usap sa mga magulang tungkol sa mga pagbabago sa sistema ng edukasyon.

“Bilang mga magulang, naiintindihan namin ang pangamba nila tungkol sa pagbubukas ng SY 2020-2021. Dahil dito, mahalagang maintindihan ng mga magulang na dapat tuloy-tuloy ang edukasyon, walang face-to-face, at hindi lamang online ang paraan ng pag-aaral,” ani Teacher Rafael.

Imahe mula DepEd Philippines via Facebook

Bukod sa remote enrollment at pakikipag-ugnayan sa mga magulang, abala rin ang mag-asawa sa pag-attend ng mga webinar at pagggawa ng activity sheets.

Ayon sa DepEd, ang enrollment ay magpapatuloy hanggang sa katapusan ng Hunyo. Kung may katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa DepEd Public Assistance Command Center.


Loading...
Source :

Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: