Mag-asawa sa Albay, nagbibigay ng mga tanim na gulay sa mga kapitbahay mula ECQ hanggang ngayon

  • Nang ipatupad ang lockdwon sa buong Luzon noong Marso, nagsimula nang magtanim ang mag-asawang sina Jonathan at Dalyne Yap na taga-Albay
  • Lahat ng maaari nilang pagtamnan sa kanilang bahay ay tinaniman nila ng mga gulay
  • Sa dami ng gulay na tanim ng mag-asawa, namimigay na rin sila sa mga kapitbahay at kanilang komunidad

Noong Marso, idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na sasailalim ang buong Luzon sa community quarantine upang mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Imahe mula sa Philippine News Agency

Marso pa lamang ay nag-umpisa nang magtanim ang mag-asawang sina Jonathan at Dalyne Yap ng mga gulay sa bakuran ng kanilang bahay sa Bonot village sa Albay.

Ayon sa mag-asawa, tinamnan nila ang mga lugar sa loob ng kanilang tahanan na maaaring tamnan. Mula sa kanilang bakuran, terrace, at maski sa roof deck ay mayroon silang mga paso ng tinanim na mga gulay.

Ang mga gulay na kanilang tinanim ay mga talong, okra, kamatis, bell peper, ampalaya, petchay, pipino, at string beans. Hindi inaasahan ng mag-asawa na magbubunga nang sobra-sobra ang mga tinanim na gulay.

Imahe mula sa Philippine News Agency

Kaya naman naisipan na nilang ibahagi ang mga biyayang ipinagkaloob ng mga tanim na gulay sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanilang mga kapitbahay at sa kanilang komunidad.

Bukod sa mga libreng gulay na ipinamimigay ng mag-asawa, namimigay din sila ng mga tanim na gulay sa paso para sa mga kapitbahay na nais ding magtanim ng mga gulay.

Simula nang ipatupad ang quarantine hanggang sa sumailalim na sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Albay ay patuloy pa rin sa pamamahagi ng mga gulay ang mag-asawa.

Imahe mula sa Rappler

“We’re happy because we were able to give a variety of vegetables to our villagers from our garden during the lockdown until today,” ani Dalyne sa panayam ng Rappler.

Dahil nakahiligan na nila ang pagtatanim at malaki rin ang matutulong nito sa seguridad ng kanilang araw-araw na pagkain ay ipagpapatuloy pa ng mag-asawang Yap ang pagtatanim ng gulay kahit matapos na raw ang pandemya.

“We will continue planting vegetables even after the pandemic as it provides not only a good harvest but a satisfying way of life. Urban gardening will boost urban farming and food security aside from greening your home,” dagdag pa ni Dalyn.

Samantala, tara na’t sumilip sa ibinahaging video ni Dalyne mula sa Bombo Radyo upang makita natin ang kanilang mayamang ani!


Loading...
Source :

Facebook, Rappler

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!
%d bloggers like this: